Atom Araullo gives the lowdown on his lovelife: “I don’t have anyone. I don’t have any plans of settling down.”

Asked to name his top three showbiz crushes, Atom Araullo says, “Mahirap magbigay ng top three, e. Marami, e. I mean…mauubos ang oras kung iisa-isahin ko.”


Sina Atom Araullo at Jessica Soho ang ginawaran ng Pinaka-PASADOng Mamamahayag Sa Larangan ng Kamalayang Pilipino sa katatapos na 2015 Gawad PASADO Awards na ginanap kagabi, Sabado, April 11, sa auditorium ng San Sebastian College sa Recoletos, Manila.

Hindi nakarating si Jessica. Pero si Atom, bago pa lang magsimula ang awarding ceremony ay naroon na.

“Ang lagi kong sinasabi kapag ganitong mga awards, it uplifts our craft,” masiglang bungad ni Atom nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media.

“Parang we want to do better. We want to make sure that we deserve the award.

“It gives us energy to continue what we’re doing. But at the end of the day, mas marami talagang mga bagay na kailangan mong i-improve on your own.

“So I’m happy to be able to represent our organization. And represent journalists, more or less.

“But kailangan din hindi ka masyadong nawiwili sa mga awards!” sabay tawa niya.

Sa ngayon, kaliwa’t kanan ang mga shows ni Atom sa ABS-CBN. Bukod sa Umagang Kay Ganda, he also does the news for TV Patrol, Bandila, and ANC (ABS-CBN News Channel).

“I also have RealiTV. And sa radio [DZMM] naman, yung Red Alert,” dagdag pa niya.

RELUCTANT MATINEE IDOL. Isa si Atom sa mga most admired news personalities sa ngayon. Bukod kasi sa kanyang galing bilang mamamahayag, marami ang nagsasabi na siya raw ang pinakaguwapo sa lahat ng mga kilalang tagapagbalita sa telebisyon.

Sa katunayan, yung ibang fans nga niya ay nakaantabay kung mag-aartista siya o papasok sa showbiz. May plano ba siyang pasukin ito?

“Uhm… mahirap magsalita nang tapos,” nangiting sagot niya.

“Pero wala akong plano.”

Bakit?

“Well, pinagdaanan ko na yung ganyan early in my life. I was doing theater before.

“I was also acting before. But eventually, I realized that I want to do journalism more than entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung gusto mong maging mamamahayag, magpu-focus ka talaga dapat do’n,” diin niya.

FLATTERED WITH ATTENTION. Ano ang dating sa kanya ng sinasabi nga ng marami na siya ang pinakaguwapong broadcast journalist, at lahat yata ng girls ay kinikilig sa kanya?

“Nakakatuwa, siyempre. Sino ba naman ang hindi matutuwa?

“Flattered. Yes!” sabay ngiti ulit ni Atom.

“Nakakatuwa talaga. Pero hindi naman ‘yon ang importante sa trabaho namin, e.

“So hanggang gano’n lang ‘yon.”

SINGLE OR TAKEN? Marami rin ang curious na malaman, is he single right now? O may nagmamay-ari na ng puso niya?

Natawa muna si Atom bago siya sumagot.

“Uhm, I don’t have anyone. I don’t have any plans of settling down,” lahad niya.

Tila naiilang nga si Atom kapag ang usapan ay ang kanyang personal life.

Hindi niya direktang masagot kung talagang wala nga siyang gilrfiend ngayon o nakakasamang lumabas on a date.

“I’d rather keep that private,” pakiusap niya.

Puwede kaya siyang ma-in love sa isang artista o celebrity?

Aniya, “Oo naman! Bakit naman hindi?”

E, 'di hindi na magiging private ang lovelife niya kapag nangyari ‘yon?

“Then… I guess not!” tawa na naman niya.

CELEBRITY CRUSHES. Sino ba ang crush niyang showbiz personality o celebrity?

“Marami, e. Mahirap magbanggit ng pangalan,” natatawa niyang sabi.

Top three na pinaka-crush niya?

“Mahirap magbigay ng top three, e.

“But one of my good friends is here [sa Gawad PASADO Awards night], si Iza Calzado who is a very beautiful girl na very talented and a very nice person as well.

“Marami, e. I mean… mauubos ang oras kung iisa-isahin ko.”

NEWSCASTER IDOLS. Kung pagiging broadcaster naman ang pag-uusapan, sino ang ina-idolize at gusto niyang sundan ang mga yapak?

“Marami akong hinahangaang mamamahayag, e. Like si Ted Failon, I think he is very dedicated and he does a lot of research.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ahh… si Tony Velasquez. Si Ces Drilon.

“I wanna do a lot of stories that are relevant to the lives of people. Gusto ko 'yong mga gano’n,” sabi pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN