Patricia Javier reveals it was her husband who convinced her to pose for FHM again

Patricia Javier explains why she didn’t think twice about posing for FHM again: “Dapat kahit mommy na tayo we have to look good and kahit nagkaka-edad, dapat mas lalong gumaganda at hindi nalolosyang. Timeless beauty dapat.”


Muling nag-pose para sa April Issue ng FHM Philippines ang mother of two at former sex siren na si Patricia Javier.

Ayon kay Patricia, ang kanyang Amerkanong asawa na si Robert Walcher, ang nag-udyok sa kanya na gawin ito.

Kuwento nga ni Patricia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong bumisita ito sa dzBB 594 sa radio program ni German “Kuya Germs” Moreno na "Walang Siyesta" para mag-promote ng FHM, “Actually, hindi ako ang may gusto na mag-pose ulit sa FHM.

“Bale yung mister ko ang nag-convince sa akin na mag-pose ulit ako.

“Kasi nga, dati nasabi ko na noong bumalik ako sa bansa na hindi na ako magpu-pose ulit dahil nga married na ako and I have two kids na lalaki na lumalaki na," aniya.

“Sabi ko nga dati na I can do sexy roles sa mga pelikula o teleserye pero hindi na katulad ng dati, medyo may limitations na.

“Pero yung husband ko ang nagsabi sa akin na mag-pose ulit sa FHM.

“Na para raw malaman ng mga supporters ko na nandito na ako, na I'm back sa showbiz.

“And also to influence all the women especially nga mothers na kahit nga mommy na tayo, dapat hindi natin pabayaan ang sarili natin.

“Dapat kahit mommy na tayo, we have to look good and kahit nagkaka-edad, dapat mas lalong gumaganda at hindi nalolosyang.

“Timeless beauty dapat.

“'Wag tayo tumigil sa pagpapaganda, dapat aalagaan natin ang sarili natin kahit may asawa na tayo," ang sabi ni Patricia.



REPRISING DARING ROLES? Dahil walang takot siyang nag-pose muli para sa FHM, tinanong namin si Patricia kung nangangahulugan na payag siyang tumanggap muli ng mga daring roles sa movies or TV.

Dagdag pa niya, “Katulad ng sabi ko, okey lang naman, lalo na't kailangan sa role. Pero hindi na siguro katulad ng dati.

“Sabi ko nga, I have two kids na lumalaki na at may asawa na rin ako. So, dapat may limitations na. Hindi na katulad ng dati nung bata pa ako at dalaga pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ibigay na lang natin sa mga mas bata pa yung pagiging sobrang daring.

“Ako naman I can accept mother roles, kasi mommy na naman ako. Basta 'wag lang siguro yung parang halos kasing edad ko na [ang anak]. Haha!"



LATEST PROJECTS. Ano naman ang iba pang pinagkaka-abalahan ni Patricia ngayon? Mayroon ba siyang mga projects?

“Sa ngayon puro guestings lang, wala pang regular shows.

“Pero hopefully, mabigyan ako ng regular teleserye.

“Lalo na't balak namin na mag-stay nang mas matagal sa Pilipinas.

“Because my kids and my husband really love it here, and dito na mag-aaral yung two kids ko—si Robert at si Arjay.

“Pero nakausap ko si Boss Vic [Del Rosario] ng Viva, kasi under ako ngayon sa kanila. Baka gumawa ako ng isang single.

“Medyo nami-miss ko na rin ang pagkanta. Alam n'yo naman na bago ako nag-artista, yung pagkanta talaga yung gusto kong ginagawa.

“Pero nagwe-wellness mission kaming dalawa ng husband ko.

“Pumupunta kami sa iba't ibang lugar sa mga nag-iimbita sa amin.

“We help other people how to be fit and healthy,” patuloy pa ng seksing aktres.



MESSAGE TO FANS. Ano naman ang message niya sa kanyang mga fans?

“Sa lahat ng mga naniniwala pa rin sa talent ko, sa mga sumusuporta pa rin sa akin, heto ako, I'm back. Sana suportahan n'yo pa rin ako.

“Sana suportahan n'yo yung mga magiging projects ko na darating. Salamat talaga,” lahad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN