Willie Revillame reveals “no casino” provision in his GMA contract; refutes money problems

Willie Revillame admits gambling in a casino used to be his vice. “Tinigalan ko na ‘yan. Una, bawal na sa akin gawin ‘yan kasi in my contract with GMA, hindi na puwede [mag-casino]. Sa sarili ko na rin, sinabi ko, kasi ang pangit, e," he reveals in the April 12 episode of Kapuso Mo, Jessica Soho.


Pinabulaanan ni Willie Revillame ang espekulasyong naghihirap na siya pagkatapos mabakante sa trabaho sa loob ng halos dalawang taon.

“Hindi ako apektado sa mga sinasabi nila kasi ikaw naman ang nakakaalam ng totoo sa buhay mo.

"Naghihirap? Ito nga ang mahal nga nito," pabirong saad ni Willie sabay turo sa suot na branded polo shirt.

Bilang patunay, ipinakita ni Willie ang kanyang luxury properties at inihayag ang halaga ng bawat isa sa mga ito sa April 12 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Una na rito ang five-hectare property ni Willie sa Tagaytay na may halagang "P130 million to P140 million five years ago."

Karagdagang P160 million umano ang ginastos niya para sa ipinatayong bahay na mayroong music room, sauna, gym, infinity pool, at master’s bedroom overlooking Taal Volcano.

Balak itong gawing resort-hotel ng TV host/comedian.

Mayroon pang 3.5-hectare property si Willie sa kalapit na lugar, bukod sa pag-aari niyang tatlong fully-furnished villas sa Tagaytay Highlands.

Ipinasilip din ni Willie ang kanyang Quezon City house na binili niya mula sa dating boss na si ABS-CBN CEO and Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III.

Dito ay makikita ang isang BenCab painting na nagkakahalaga ng P45 million.

Ipinakita rin niya ang pag-aari niyang dalawang Rolls Royce na nagkakahalaga ng P35 million at P38 million, Ferrari sports car na P35 million, at yacht na P18 million.

Pag-aari pa rin ni Willie ang apat na palapag ng condominium at helipad sa Wil Tower, Quezon City.


GMA PROHIBITS WILLIE FROM GAMBLING. Matatandaang minsan nang naging usap-usapan na kinailangang magbenta ni Willie ng ari-arian dahil sa kanyang madalas na pagsusugal sa casino.

Read: Willie Revillame denies selling properties due to gambling: "...kung naghihirap ako e alam n'yo, ako na nakakaalam ng buhay ko."

Sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ni Jessica Soho, inamin ni Willie na madalas siya noon sa casino bilang libangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw ibig sabihin na pinatalo niya ang lahat ng kanyang pag-aari dahil sa sugal.

“Nagkaka-casino, yes, tatanggapin ko, totoo ‘yan.

"Naglibang lang ako sa buhay ko.

“Pinakiramdaman ko lang kung anong meron kasi hindi ako sanay diyan, e. Na-challenge ako.

“Oo, nagsugal ako, pero part ng buhay ng tao ‘yan.

“Pero hindi ako magpapaubos sa casino,” giit ni Willie.

Naging mailap naman ang TV host/comedian nang tanungin ni Jessica kung magkano ang inabot ng pinakamalaki niyang naipanalo at naipatalong pera sa casino.

“Text kita,” nakangiti ngunit paiwas na sagot niya.

Ayon pa kay Willie, itinigil na niya ang naturang bisyo dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanya ang pagpunta sa casino, base sa pinirmahan niyang kontrata sa GMA Network.

March 20 ngayong taon nang opisyal na pumirma ng kontrata si Willie para sa pagiging blocktimer o pagbili ng airtime sa GMA Network para sa kanyang game-variety show na Wowowin.

“Tinigilan ko na ‘yan.

"Una, bawal na sa akin gawin ‘yan, kasi in my contract with GMA, hindi na puwede [mag-casino].

“Sa sarili ko na rin, sinabi ko kasi ang pangit, e,” saad niya.

Nabanggit din ni Willie na isa pang ipinagbabawal sa kanya ng GMA ay ang gamitin ang Wowowin para sa mga adhikaing may kinalaman sa pulitika.

“Hindi naman [bawal akong pumasok sa pulitika]... bawal ako sigurong ma-involve in politics na magagamit yung show.”


BILLIONAIRE OR MILLIONAIRE? Hindi kaila sa publiko ang laki ng kinikita ni Willie, lalo pa’t naiulat na P1 billion ang halaga ng kanyang three-year contract sa TV5 mula 2010 to 2013.

Ayaw man sabihin ni Willie ang eksaktong halaga ng kanyang talent fee, siniguro niyang legal siyang nagbabayad ng buwis.

Aniya, “Alam naman nila yung record niyan [one-billion contract with TV5].

"Hindi ko naman siguro kailangan sabihin kung magkano man ‘yan.

"Basta ibe-base mo naman sa binayad mong tax, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, dun pa lang, malalaman mo na."

Hindi sinagot ni Willie nang tanungin siya kung siya ay maituturing na bilyonaryo o milyonaryo.

Ayaw na rin niyang magpaapekto sa mga taong nagsasabing mayabang siya sa paglantad niya ng kanyang mga ari-arian.

Kung ano man daw ang ginhawang tinatamasa niya ay hindi galing sa pagnanakaw kundi pinaghirapan niya nang husto.

“Hindi mo ige-gauge yung pagkatao mo sa pera, e.

"Hindi ako sa bilyonaryo o milyonaryo.

"Aanhin mo lahat ng perang ‘yan kung paglabas mo diyan, e, walang nagmamahal sa ‘yo.

“Sa akin, hindi ko Diyos ang pera...

"Yung pinaghirapan ko, I want to enjoy my life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN