Vice Ganda: “The less you give a shit, the less you get upset.”

Ang mantra ni Vice Ganda ngayong 39-anyos na siya: "Deadma na lang sa mga nega vibes, dapat happy lang, ’di ba? I don’t care. Actually, I love it."


“Ang mantra ko for my birthday: deadma na lang sa mga nega vibes, dapat happy lang, 'di ba? I don't care. Actually, I love it.”

Bahagi ito ng pahayag ni Vice Ganda sa pagpapatuloy ng kanyang birthday celebration sa programa niyang Gandang Gabi Vice, nitong Linggo, April 12.

Ayon kay Vice, 39, ang kanyang buhay ay “mas makulay pa sa dalawang bahagharing pinaghalu-halo at sinabuyan ng maraming glitters.”

Nagpasalamat din ang Unkabogable Star sa mga tagasuporta niya dahil malayo na ang kanyang nararating.

Sa nasabi ring episode, ibinahagi ng comedian-TV host ang mga malulungkot na karanasan niya sa buhay pag-ibig, pero sa huli ay sinabi niyang masaya siya ngayon.

Ayon kay Vice, hindi lang sa pagiging malungkot puwedeng kumuha ng hugot.

Puwede rin daw “kapag ika'y kinikilig, hopeful, inspired, at masaya, tulad ko na napakasaya ngayon.”

Dagdag pa ni Vice, “Yun ang bet kong hugot, lahat tayo may pinagdaraanan, may bagay na ikinabubuwisit, ikinaiimbiyerna, ikinalulungkot natin.

"Pero madalas, mas maganda kung papraktisin natin ang art of deadma.

"Parang ako, may mga pagkakamali ako [pero] dahil mahal niyo ako, dinidedma niyo na lang 'yon at inuunawa niyo na lang ako, dahil alam niyo sa puso niyo, wala naman akong ginawang masama.

“Nagkamali lang talaga at magkakamali kasi mukha mang kabayo, e, tao din.”


“ENJOY LIFE.” Sa kanyang Instagram account naman noong Biyernes, April 10, nag-post si Vice ng maiksing video kung saan makikita siyang masayang tumatakbo sa may beach na naka-swimsuit bikini.

Malaman din ang caption niya sa nasabing post.

Dito sinabi ni Vice na karapatan ng taong maging masaya at hangga't hindi ito isang krimen, dapat lang ipagpatuloy ito anuman ang sabihin ng ibang tao.

Sinabi rin ng Kapamilya star na mayroon at mayroong mga taong manghuhusga kahit ano pa ang gawin mo, kaya mas mabuti kung maging masaya na lamang.

Narito ang buong caption ng post ni Vice:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Live your life. Enjoy your life. Have fun.

"If it's not a crime, DO IT! Might as well do it.

"Coz even if you don't, they will still have something to say.

“Whatever they say, whatever they think, just go on and be happy.

“And thank them for making you relevant.

"The less you give a damn, the happier you become.

"The less you give a shit, the less you get upset.

"Let them go on and judge you.

"In the end, we will all be judged anyway!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN