Lotlot de Leon vows to do more and better after bagging acting awards

Everything is coming up roses for Lotlot de Leon as far as her career is concerned. Is her love life in bloom as well? “Meron naman. ‘Yon na lang ang masasabi ko,” she says.


Nakadalawang best supporting actress awards na si Lotlot de Leon para sa kanyang pagganap sa pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles.

Una ay sa Metro Manila Film Festival (MMFF) last December 2014; at ikalawa sa Gawad PASADO 2015 na ginanap sa auditorium ng San Sebastian College-Recoletos noong Sabado, April 11.

Pahayag ni Lotlot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang saya po, nakakataba ng puso!

“Mas lalo ko pang gustong magsipag at mas marami pang films na magawa.”

May pagmamanahan naman siya ng kahusayan bilang artista dahil parehong multi-awarded actors ang kanyang mga magulang na sina Nora Aunor at Christopher de Leon.

Ngunit pagkontra ni Lotlot, “Naku, marami pa po akong ‘ika nga nila ay kakaining bigas bago ko po marating ‘yon.

“Pero nagpapasalamat po ako lalo na sa PASADO at sa lahat po ng mga kagaya po ng MMFF sa pagbigay sa akin ng parangal.”

LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER. Ang ina ni Lotlot na si Nora ang ginawaran ng pagkilala bilang Pinaka-Pasadong Aktres ng Taon sa Gawad PASADO para sa dalawa nitong pelikula—Dementia at Hustisya.

Hindi nakadalo ang Superstar dahil nasa Malaysia ito noon para sa Asean International Film Festival Awards (AIFFA), kung saan ginawaran siya ng Lifetime Achievement Award.

Watch: Nora Aunor honored with Lifetime Achievement award by ASEAN International Film Festival and Awards

Si Lotlot ang tumanggap ng trophies ni Nora sa Gawad PASADO.

Ayon kay Lotlot, “The last time I spoke to her, she was very happy. Nakakatuwa naman, siyempre po.”

Lotlot feels so much honored na sila ng kanyang ina ay naparangalan best actress at best supporting actress ng Gawad PASADO.

“As a daughter, siyempre I want to make my parents proud also,” sambit niya.


CHOOSING ROLES. Ngayong award-winning actress na siya, will she be choosy in accepting roles this time?

Sagot ni Lotlot, “I think naman I have always been.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sa lahat naman po ng pelikulang nagawa ko, simula nang magbalik ako sa industriya, e, lahat naman po iyon ay maipagmamalaki ko.

“Kahit na hindi ganun kalakihan yung mga roles na nakukuha ko.

“And okey lang naman sa akin kahit kontrabida roles.

"Kahit anong klaseng character po, okey sa akin.

“Kahit luka-luka!”

Wala man siyang pelikula ngayon, meron daw mga projects na aabangan sa kanya.

"Pero siyempre, ayoko naman pong i-preempt."

"Kapag nandun na po, saka ko na lang po sasabihin ang mga detalye tungkol dito."

LOVELIFE. Kumusta naman ang estado ng kanyang lovelife?

“Ay!” bulalas ni Lotlot.

Meron?

“Meron naman... yun na lang ang masasabi ko,” bitin na sagot ng aktres.

Ngunit sa pagkakaalam ng PEP, matagal na ang relasyon nila ng kanyang Lebanese boyfriend na nagngangalang Fred Al Soury.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN