Mark Neumann and Shaira Mae tagged by TV5 as “Kilig Prince and Princess”

Mark Neumann and Shaira Mae are the featured stars in Wattpad Presents: The Magic In You, which was shot in Hong Kong Disneyland.


Labis ang kasiyahan ng TV5 Talent Center artists na sina Mark Neumann at Shaira Mae dahil ang loveteam nila ang napili para pagbidahan ang special episode ng Kapatid mini-series na Wattpad Presents The Magic In You, na kinunan ang karamihan sa mga eksena sa Hong Kong Disneyland.

Malaking opportunity nga ito para kina Mark at Shaira, lalo na’t sa kauna-unahang pagkakataon ay nakipag-partner ang Hong Kong Disneyland sa isang Filipino TV network para sa isang serye bilang bahagi ng 10th anniversary ng naturang world-renowned theme park.

Ang The Magic In You ay pang-apat na Wattpad episode na nina Mark at Shaira.

Mapapanood ito sa primetime block ng TV5 simula ngayong Lunes, Abril 13, hanggang sa Biyernes, Abril 17, sa ilalim ng direksiyon ni Mac Alejandre.

Una nilang pinagbidahan ang Book 1 at 2 ng Mr. Popular Meets Miss Nobody, tapos ay ginawa nila ang I’m In Love With A DOTA Player.

Ayon sa TV5 Corporate Communications, laging mataas ang ratings ng Wattpad episodes nila.

TV5 KILIG PRINCE & PRINCESS. Sa ngayon, ang tambalan nina Mark at Shaira ang pambatong loveteam ng TV5.

Kaya naman ang Kapatid network ay binigyan sila ng titulo bilang “TV5 Kilig Prince at Princess.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Mark at Shaira sa presscon ng Wattpad Presents The Magic In You noong Abril 7 sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Unang tinanong ng PEP sa dalawa kung ano ang kanilang pakiramdam sa bagong titulo nila, gayun din sa importansiyang ibinibigay sa kanila ng TV5 lalo na rito sa Wattpad Disney episode.

Ani Mark, “We’re really honored, blessed, and thankful to be part of this opportunity.”

Dagdag ni Shaira, “Super happy kami na pinagkakatiwalaan kami ng TV5. We’re so blessed at napakasuwerte namin kasi kami yung napili para dito.”

Maski nga ang chief entertainment and content officer ng TV5 na si Ms. Wilma Galvante ay bilib sa loveteam nina Mark at Shaira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Present si Ms. Wilma sa presscon at tinanong ng PEP kung anong meron sa loveteam ng dalawa kaya binibigyan nila ito ng magagandang proyekto.

Ayon sa TV5 ececutive, “That’s our role, to give them the platform, to give them the stage, the opportunity.

“But I think 50 percent of that is theirs.

"Kailangan yung presence nila, yung trabaho nila, yung how they will register, how they will relate to their audience, how they will build their fans, how professional they will be, how sincere.

“At makikita mo yung drive, makikita mo yung sipag, at makikita mo higit sa lahat the cooperation. And I see that in the two of them.

“Pero beyond that, hahanapin mo yung chemistry, yung X-factor, e, nasa kanilang dalawa naman.

“Mine is to offer our audience, offer our viewers a new pairing, a loveteam.

“A pair who they will be delighted in seeing in any show, and I see that in the two of them.

“Maganda naman yung performance ng dalawa.”

WHAT IF? Click ang loveteam nina Mark at Shaira Mae dahil bukod sa dumarami nilang supporters at fans ay mayroon talagang chemistry ang dalawa.

Ito ay sa kabila ng katotohanang may boyfriend si Shaira sa katauhan ng aktor na si Edgar Allan Guzman.

Nakatulong din daw na nagkausap nang personal sina Mark at Edgar kaya walang selosang nangyayari.

Sa lahat daw ng mga artistang lalaki sa TV5, kay Mark nagtitiwala si Edgar, ayon kay Shaira.

Pero natanong ng PEP si Shaira Mae na kung sakaling wala si Edgar sa buhay niya, posible kayang ma-in love siya kay Mark?

Sagot ng dalaga, “Puwede, guwapo naman si Mark, e, gentleman, mabait, at maalaga siya.

“Okay si Mark, ideal guy siya. Why not?”

Kinilig naman si Mark nang sabihin ng PEP sa kanya ang naging pahayag ni Shaira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya? My God!” sabay bungisngis ng binata.

Parang gustung-gusto niya ang narinig niya?

Pag-amin ni Mark, “Oo naman, opo. For me, why not?

“She’s a lovely girl, maalaga siya. She’s beautiful, of course, ‘di ba?

“She’s a one-of-a-kind girl I could say.”

Kahit naman noong finalists pa sila ng artista search ng TV5 na Artista Academy ay aminado na si Mark na crush niya si Shaira.

Hindi nga lang itinuloy ni Mark ang panliligaw dahil mas priority niya ang kanyang showbiz career.

Sa ngayon, masaya na sila na going strong ang loveteam nila at tine-treasure daw nila ang kanilang special friendship.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN