Kylie Padilla in a relationship with Rhian Ramos’s cousin?

This photo of Kylie Padilla and Matt Henares was posted by the latter’s father, actor and talent manager Ronnie Henares, on Instagram. Based on their previous posts on Instagram, it seems that Kylie has found a new love in Matt.


Sino si Matt Henares sa buhay ng Kapuso actress na si Kylie Padilla?

Matapos makipag-break ni Kylie sa Kapuso actor na si Aljur Abrenica ay ilang beses nabalitang nagkabalikan sila.

Ngunit base sa Instagram posts ng anak ni Robin Padilla ay tila nakahanap na ng bagong pag-ibig ang dalaga.

Noong April 11, Sabado, ay nag-post si Kylie ng isang babae at isang lalaki na magkayakap at naghahalikan.

Blurred ang black-and-white photo na ito na tila kuha sa isang beach.

Sa ilalim ay nilagyan ito ni Kylie ng caption na “I miss you” at may emoticon pang umiiyak.

I miss you 😭

A photo posted by @kylienicolepadilla onApr 11, 2015 at 4:45am PDT

May Instagram followers si Kylie na nagtatanong kung sino ang mga nasa larawan. Kung si Kylie ang babae sa larawan, ang lalaki raw ba ay ang kanyang “New Boylet?”

Mayroon ding ilang nagsabi na si Aljur raw ang lalaki at tina-tag pa nga ang aktor.

Ngunit kapansin-pansin ang pag-tag ni Kylie sa Instagram user na may handle name na “matthenares.”

Nag-reply pa nga itong si “matthenares” ng tatlong emoticons na lumuluha naman.

Nang i-check ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Instagram account ni Matthew Henares, nakita namin ang post nito ng medyo malayong kuha ng isang babae at isang lalaki habang kumakain sa isang restaurant.

May caption dito si Matthew na: “Priceless.”

Kahit naka-sideview ang mga taong nasa larawan, tila kamukha ni Kylie ang babae.

Priceless 🍙🍘🍣

A photo posted by Matty (@matthenares) onApr 4, 2015 at 4:30am PDT

Kapansin-pansin din na madalas magpalitan ng comments sa kanilang Instagram accounts sina Kylie at Matthew.

Katulad na lamang sa post ni Matthew ng palad nito habang ipinapakita ang isang hot sauce.

Cute

A photo posted by Matty (@matthenares) onApr 9, 2015 at 7:16pm PDT

Nagpalitan ng comments ang dalawa.

Naglagay si Kylie ng emoticon na kiss at "to your finger."

Sinagot naman ito ni Matthew na emoticon pa rin ng kiss kasunod ang "to your face."

Muling nag-reply si Kylie ng “how I miss that” kasunod ang emoticons na kiss at umiiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa impormasyong nakuha ng PEP, si Matthew Ramos Henares ay anak ng dating head ng GMA Artist Center na si Ida Henares at ng actor-talent manager na si Ronnie Henares.

Lumalabas din na si Matt ay pinsan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Siya ay 23 years old at nag-aaral sa College of St. Benilde.

Minsan na rin siyang nai-feature sa Candy Magazine noong 2009.

Tila kinumpirma naman ni Ronnie ang relasyon ng dalawa sa Instagram post (@ronniehenares) nito two weeks ago, kung saan magkasama sina Kylie at Matthew na kuha sa airport.

May caption itong: “@matthenares with his lady love @kylienicolepadilla at the airport before flying to Australia for a culinary internship.”

May comment dito si Matthew na: “Mga bagong iyak pa.”

Bukas ang PEP kung sakaling may nais sabihin si Kylie tungkol sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN