Marian Rivera and Dingdong Dantes announce they’re having a baby!

Bukod sa mister na si Dingdong Dantes—na tadtad daw ng kurot at kagat—ang iba pang pinaglilihian ni Marian Rivera ngayong buntis na siya ay White Rabbit candy at Haw Haw candy. "Puro puti yung hinahanap ko, hindi ko alam kung bakit!" sabi ni Marian.


Kumpirmadong buntis na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Pagkatapos ng ilang araw na espekulasyon kung nagdadalantao na nga ba si Marian, kinumpirma ng aktres at ng kanyang mister na si Dingdong Dantes na magbubunga na ang kanilang pagmamahalan.

Ginawa nina Marian, 30, at Dingdong, 34, ang anunsiyo sa eksklusibong panayam sa kanila ni Jessica Soho, na ipinalabas sa 24 Oras ng GMA-7 at State of the Nation ng GMA News TV 11 ngayong Lunes ng gabi, April 13.

Sabi ni Dingdong, "Gusto lang naming sabihin na nagbunga ang aming pagmamahalan.

"At nabiyayaan kami ng Panginoon ng isa sa pinakamagandang regalo na pupuwedeng ibigay—and that's the gift of life."

Ayon sa mag-asawa, planado ang unang pagbubuntis na ito ni Marian.

Saad ng Pari 'Koy actor, "Yun din ang isa sa mga dahilan kung kaya po kami nagpursiging magpakasal, is to really build a family.

"And alam naman nating yung pagkakaroon ng anak ay isa sa mahalagang bagay para magkaroon ng isang pamilya.

"So, magmula nun, ipinagdasal ho namin, kung ibigay po sa amin, sana ibibigay po sa tamang panahon."

PAGLILIHI. Nang tanungin ni Jessica kung naglilihi na si Marian, sagot ng aktres, "Hindi ko alam kung yun na po ang tawag dun..."

Singit naman ng Kapuso Primetime King, napapadalas na raw ang kurot at kagat sa kanya ni Marian.

"Naglilihi" rin ba si Dingdong?

Sagot ng aktor, "Sabi ko, okay lang, pagdaanan ko na lahat ng mahihirap na bagay, basta huwag lang siya."

Dagdag naman ni Marian, "Pero mahirap ho, kasi every morning, nagsusuka talaga ako.

"Tapos may mga time na kahit hindi naman medyo malayong biyahe, madalas akong nahihilo...

"Sabi ko, okay lang, kaya kong tiisin lahat ng sakripisyong iyan, kung ang kapalit naman ay isang napakamagandang biyaya sa Panginoon."

Maliban kay Dingdong, may iba pa bang pinaglilihian si Marian?

Natatawang sagot ng aktres, "Nung isang araw pa, ang hinanap ko, White Rabbit... yung kendi na kinakain yung balat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos nung isang araw, haw-haw, yung kendi pa rin, kulay puti pa rin!

"Puro puti yung hinahanap ko, hindi ko alam kung bakit!

"Tapos ayaw ko lang ng pabango na sobrang tapang, medyo naliliyo po ako..."

Pagsang-ayon naman ni Dingdong, "Opo, nakukurot ako kapag may naaamoy na hindi maganda!"

GIRL OR BOY? May preference ba sila kung lalaki o babae ang gusto nilang maging unang anak? O kambal kaya?

Natatawang sagot nina Marian at Dingdong, "Isa lang po!"

Ayon pa kay Dingdong, "With regards to the gender po, e, kumbaga once step at a time.

"Sobrang nagpapasalamat lang kami na may biyaya kami ng isang buhay.

"So, siguro, okay na kahit ano ang ibigay sa amin."

Sabi naman ni Marian, tuwing nag-uusap sila ni Dingdong tungkol sa kanyang pagbubuntis ay nagiging emosyunal siya.

Paliwanag ng aktres, "Ito ang isa sa mga pangarap ko na gusto kong mangyari sa buhay ko, ang maging isang mommy.

"So, ibinigay siya sa akin."

Hindi nabanggit sa panayam kung ilang linggo o buwan na eksakto ang dinadala ni Marian.

Ngunit napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa ilang taong malapit sa mag-asawa na nine weeks o mahigit two months na ang nasa sinapupunan ni Marian.

Ikinasal sina Marian at Dingdong sa isang engrandeng seremonya noong December 30, 2014.

ASKING FOR PRIVACY. Samantala, may pakiusap naman si Dingdong kaugnay ng pagdadalantao ngayon ni Marian.

Pahayag niya, "There are details we choose to keep private sa mga sarili namin, especially this point onwards.

"At sana po, hinihingi ko po yung suporta ninyo na ibigay po sa amin ang privacy tungkol sa bagay na ito, dahil alam naman natin na hindi madali ang pinagdadaanan ng aking asawa sa pagbubuntis.

"Kaya sana maintindihan ninyo.

"And maraming salamat po sa lahat ng pag-unawa ninyo at lahat ng suporta, magmula noon hanggang ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kabuuan ng interview ni Jessica kina Marian at Dingdong ay ipalalabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa Linggo, April 19.

Ipinost sa Instagram ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan ang ilang kuha mula sa interview na kinunan kaninang hapon.

Sa kabila ng maselang kalagayan ngayon ni Marian, sa pagkakaalam ng PEP ay tuloy pa rin ang pagtatrabaho niya, lalo na't nasimulan na ang taping para sa kanyang bagong primetime series sa GMA Network, ang The Rich Man's Daughter.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap dito ang Kapuso Primetime Queen bilang bisexual.

Si Dingdong naman ay abala sa taping ng kanyang pinagbibidahan ding teleserye sa Kapuso network, ang Pari 'Koy, kung saan gumaganap na pari ang aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN