Maja Salvador-Gerald Anderson breakup rumor resurfaces

Maja Salvador’s intriguing Instagram post makes her followers curious if breakup rumor about her and Gerald Anderson is true.


Muling lumabas ang usap-usapang nagkakalabuan diumano ang magkasintahang Maja Salvador at Gerald Anderson.

May ilang entertainment blogs na ang naglabas ng report na diumano'y hiwalay na ang dalawang Kapamilya stars.

Nagsimula ito nang mapansin ng ilang followers na hindi magkasama sina Maja at Gerald noong Lenten break.

Si Maja ay nagpunta sa Bali, Indonesia, kasama ang malalapit niyang kaibigang sina Thou Reyes at Cacai Bautista.

Si Gerald naman ay nasa Subic, Zambales, kasama ang mga kaibigang sina Rayver Cruz at Fred Payawan.

Kaugnay nito, hindi naiwasang mabigyan ng kulay ang Instagram post ni Maja kamakailan.

Noong nakaraang linggo ay nag-share ang aktres ng larawan nila nina Thou at Cacai.

Sabi ni Maja sa caption: “@ilovekaye @thou_ism ang dami niyong sinasabi sa mga post niyo! Ito lang ako. Mahal ko kayong dalawa kung iwan niyo ako bahala na kayo. Nag iisa lang ako noh kaya goodluck! #Msescapade #BrothaAndKiffie”

Ilan sa followers ng Kapamilya actress ang nagtanong kung may kaugnayan ang caption niya sa napapabalitang paghihiwalay nila ni Gerald.

Habang may ilan namang nagsabing hindi dapat bigyan ng kulay ang naturang post ng Bridges of Love actress.

Halos ganito rin ang post ng ilang followers sa larawan ni Gerald mula sa kanyang bakasyon sa Subic.

Sa ngayon ay nanatiling tikom pa ang bibig ng magkasintahan.

Sa huling panayam kay Gerald, tila naiirita na siya sa ganitong klase ng isyu sa relasyon nila ni Maja.

Sabi ng Nathaniel actor, “'Di naman bago 'yan, lagi namang may ganun.

"Kumbaga, kung sasagutin ko, wala din.

“'Tapos two weeks from now, tatanungin ninyo uli sa akin."

Diin pa ni Gerald, “Masaya kung ano ang mayroon kami ngayon, ine- enjoy namin.”

Sa special screening ng Nathaniel kahapon, April 12, ay hindi pina-interview ng ABS-CBN si Gerald sa mga press na dumalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN