Vice Ganda slams social media bashers anew

Vice Ganda advises online bashers to play the online app Clash of Clans to occupy their time instead of making life miserable to other people.


Pinanindigan ni Vice Ganda ang naging pahayag niya tungkol sa “art of deadma” o hindi pagpansin sa mga “nega” sa bago niyang post ngayong araw, April 13, tungkol sa bashers sa social media.

Read: Vice Ganda: “The less you give a shit, the less you get upset.”

Ito ang status ni Vice ngayong Lunes:

Pagkatapos nito, sunud-sunod na ni-repost ni Vice ang mga sagot ng ilan sa kanyang followers na sumagot sa tanong niya kung “nega” ba sila.

Pinatutsadahan din ni Vice ang bashers sa social media.

Aniya, “Walang nega na maganda. Kaya kung chaka ka, alam mo na!—Madam Bertud.”

Si Madam Bertud ay ang karakter ni Vice sa It’s Showtime na nagbibigay ng “witty” advice pagdating sa mga problema.

Hinikayat pa ni Vice ang mga basher na maglaro na lamang ng mga online app games, gaya ng sikat na Clash of Clans (COC) sa halip na negatibong mga bagay ang pagtuunan ng pansin.

Nag-post din si Vice na matutulog siyang may ngiti sa labi.

Nasa Amerika ngayon si Vice para sa kanyang shows doon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN