Manny Pacquiao admits womanizing ways almost led to breakdown of his marriage

"There’s a problem in our family because the fame goes to my head. And you know, I know how to gamble, I know how to drink, a lot of girls, womanizing, like that," says Manny Pacquiao, who claims he’s a changed man because of his faith in God.


Inamin ni Manny Pacquiao na dumaan sa matinding pagsubok ang pagsasama nila ng asawang si Jinkee Pacquiao noong panahong nambababae ang Pambansang Kamao.

Kahapon, April 12, nagpaunlak ng panayam si Manny sa American pastor na si Dudley Rutherford sa Wadsworth Theater, Los Angeles, California.

Jesus is the only way of salvation! Live interview with @dudleyrutherford

A photo posted by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) onApr 12, 2015 at 1:01pm PDT

Naging emosyunal si Manny nang kanyang balikan ang mga problemang pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya.

Aminado ang boxing champ na kasabay ng kanyang pagsikat noon sa mundo ng boxing ay ang kanyang pagkalulong sa bisyo at pakikipagrelasyon sa ibang babae gayong may-asawa siyang tao.

“There's a problem in our family because the fame goes to my head.

“And you know, I know how to gamble, I know how to drink, a lot of girls, womanizing like that,” diretsahang pag-amin ni Manny, base sa ulat ng 24 Oras ngayong gabi, April 13.

Sa puntong ito ay makikitang napaiyak si Jinkee na nakaupo sa tapat ng stage kasama ng audience na nakikinig sa testimoniya ni Manny.

Ayon pa sa boxing champ, umabot sa puntong muntik na silang maghiwalay ni Jinkee.

Hindi na raw sila nag-uusap at tanging ang kani-kanilang legal counsel ang nagsisilbing tulay sa gitna ng mga pagtatalo nila noon.

Dugtong ni Manny, “You know, I accept that because that’s the old Manny Pacquiao.”

Kuwento pa ng Pinoy boxing champ, ang pagbabalik-loob niya sa Diyos ang nagsalba ng relasyon nila ni Jinkee.

Sa ngayon ay ilang taon na raw niyang tinalikuran ang pambababae at iba pa niyang bisyo.

“The word of God, that's the most important thing,” saad ni Manny, na bukod sa pagiging bukas tungkol sa kanyang Christian faith ay kasalukuyang nagpapagawa rin ng isang two-storey church building sa kanyang hometown sa General Santos City.

Pagkatapos ng panayam ay umakyat ng stage si Jinkee at ang apat na anak nila ni Manny na sina Jimmuel, Michael, Princess, at Queenie upang samahan ang boxing champ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuwing Linggo ay walang ensayo si Manny sa boxing dahil nakalaan ang kanyang oras sa pakikipag-bonding sa pamilya niya.

Nakabasyon din kasi ngayon sa Los Angeles ang mga ito hanggang sa inaabangang paghaharap nina Manny at Floyd Mayweather Jr. sa May 2.

Going to church with my family. Thank you Lord.

A photo posted by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) onApr 12, 2015 at 9:56am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN