PEP EXCLUSIVE. Mayor Herbert Bautista "smitten" with Philippine-born lady solon in South Korea

Jasmine B. Lee, Philippine-born lawmaker/actress in South Korea, is now being linked to Mayor Bistek. Sources say that the actor-politician and Jasmine have the potential to hit it off. (In photo) Mayor Herbert with Jasmine during a dinner in South Korea.


Pagkatapos ng short-lived romance nila ni Kris Aquino, may bagong babae na tila nagpapatibok ngayon sa puso ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Siya ay si Jasmine B. Lee.

Si Jasmine ay isang Filipina na naging naturalized South Korean citizen at ngayon ay isa nang mambabatas sa National Assembly ng South Korea.

Nakalabas na rin si Jasmine sa ilang pelikula at TV programs sa South Korea.

(Photo grabbed from Youtube)

Ayon sa tatlong sources na eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes, April 14, maraming pagkakatulad sina Mayor Herbert at Jasmine.

Pareho silang TV personalities, naging artista, single parents, at politicians.

At ang mga pagkakahawig nilang ito ang sinasabing naging daan upang mag-click ang dalawa sa una pa lamang nilang pagkikita nito lamang second week of April sa South Korea.


SIMPLE AND INSPIRING. Ang unang source ng PEP ay personal na kakilala si Jasmine, na una niyang nakilala sa isang dinner noong 2014.

Ayon sa source na ito, isang "inspiring woman" si Jasmine.

Nagsusulong daw kasi ito ng mga adbokasiya upang labanan ang negatibong tingin ng Koreans sa multiculturalism.

Kuwento pa ng source tungkol kay Jasmine, “She’s really smart and her story is really interesting. I found it really interesting.

“She’s from Davao, simpleng tao lang.

"And then, nakakita siya ng magiging asawa niya, who is Korean, then kinukuwento pa niya nung paano siya niligawan.

“Baklang-bakla yung dating niya. So, madali mong makasundo.

"Anyone could get along with her, she is so down-to-earth."

Dugtong pa ng unang source, “But at the same time, when I talked to her about policies in Korea, her thrust is multiculturalism, immigration.

"Ang galing niya! Ang dami niyang alam. Ang dami niyang isinusulong."

Biniro pa raw ng source si Jasmine na dapat makilala niya at i-date si Mayor Herbert.

Natawa lang daw si Jasmine at sinabi nitong napapanood niya noon ang comedian-turned-politician sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng unang source tungkol kay Jasmine, “She’s really a simple person. Ang simple ng buhay niya talaga.

"Hindi naman siya [born with a] silver spoon, simpleng tao lang.

"And then, all of a sudden, naabot niya ito on her own.

"Hindi siya family ng politician. Wala naman siyang padrino, wala.

“Sheer talent is what brought her to her current position, and I found that something so inspiring.

"And I think that’s also what the mayor [Herbert] found inspiring."

Dito raw nakita ng unang source ang similarities nina Jasmine at Mayor Herbert.

Sabi pa ng source, “He’s not snooty. He jokes a lot, [you’re] at ease right away when you talk to him.

"And her [Jasmine] personality is also the same."


HERBERT MEETS JASMINE. Nitong April 8-12, nagtungo si Mayor Herbert at ilang Quezon City councilors sa South Korea para sa isang global conference.

Sa huling gabi nila sa South Korea, isang dinner ang inorganisa ni Philippine Ambassador to South Korea Raul Hernandez para sa delegasyon ni Mayor Herbert.

Imbitado rin sa nasabing pagtitipon si Jasmine.

Kabilang sa delegasyon ni Mayor Herbert si QC Councilor Dorothy “Doray” A. Delarmente, ang ikalawang source ng PEP at kaisa-isang pumayag na magpangalan.

Ayon sa konsehala, nasaksihan niya ang “chemistry” sa pagitan ng alkalde at ni Jasmine.

Kuwento ni Councilor Delarmente sa PEP, “Pagdating, ‘Oh, bata,’ sabi kong ganyan, halos ka-age ko actually.”

Ang tinutukoy niya ay si Jasmine, na 37 years old; habang si Mayor Herbert naman ay 46.

Patuloy ng konsehala, “Magkatabi sila ni Mayor [Herbert].

"Nasa gitna si Congresswoman [Jasmine], si Mayor nasa left niya, si Ambassador [Hernandez] nasa right, kami nasa tapat."

Tinatanong daw ni Mayor Herbert si Jasmine kung paano siya naging congresswoman sa Korea.

“Tapos in passing, naalala ko lang, nabanggit ni Mayor, ‘O, 'di ba, na-link ka kay Presidente [Noynoy Aquino]?’ gumanyan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nabasa daw niya somewhere."

Incidententally, ex-girlfriend ni Mayor Herbert ang bunsong kapatid ni PNoy—ang TV host-actress na si Kris Aquino.

Natawa raw si Jasmine sa tinuran ni Mayor Herbert at nagpaliwanag kung ano ang nangyari noon.

Sinabi raw ni Jasmine na ang nag-iisang pagkakataong nagkausap sila ni PNoy ay nang tanungin siya ng Pangulo kung ilang taon na siya.

Ayon pa kay Councilor Delarmente, “Gumanun si Jasmine, pero wala.

"Siguro na-link kasi nag-meet sila, ganyan. Pero after that, wala na.

"Pero sinundutan [ng tanong] ni Mayor, ‘If you don’t mind me asking, how old are you?’ Gumanun siya, so tawa na lang nga si Jasmine.”

Nagtungo si PNoy sa South Korea noong 2013 para sa isang state visit.

Pinarangalan noon si Jasmine ng Order of Lakandula, isa sa mga pinakamataas na civilian honors na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga Pilipinong nagbigay ng 'di matatawarang kontribusyon sa iba't ibang larangan.


THINGS IN COMMON. Ayon pa kay Councilor Delarmente, sa pag-uusap nina Mayor Herbert at Jasmine sa nasabing dinner, nalaman nilang pareho silang nag-artista muna bago pumasok sa pulitika.

Hindi lingid sa kaaalaman ng lahat na nagsimula bilang child actor si Herbert sa soap opera na Flordeluna at sa gag show na Kaluskos Musmos.

Hanggang maging isa siya sa pinakasikat na teen comedians at naging bida sa mga pelikula ng Viva Films at Regal Films.

Ilan sa mga pinagbidahang pelikula ni Herbert noong kabataan niya ay ang mga sumusunod: Bagets (1984), Shake Rattle & Roll (1984), Kumander Bawang (1985), Ninja Kids (1986), Captain Barbell (1986), Puto (1987), Jack & Jill (1987), Pik Pak Boom (1988), at Hulihin Si Nardong Toothpick.

Si Jasmine naman ay naging panelist ng TV program sa South Korea, ang Love In Asia.

Sa pelikula naman, lumabas siya bilang Filipino mother ng bidang si Yoo Ah-in sa Punch (2011) at nagkaroon din siya ng appearance sa Secret Reunion (2010).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Councilor Delarmente, “Parang ang dami nilang things in common.

"Si Mayor, mahihilig ‘yan sa matatalino, yung good conversationalist.

“Personal opinion ko, mukhang feeling ko, mata type-an ito ni Mayor.

"Kasi nga, artista sila pareho, tapos nag-politics, tapos parang malapit lang naman ang edad nila.

“Si Jasmine, she’s very, very smart.

"She’s very fluent in Korean, Tagalog, and English.

“At kapag kinausap mo, talagang may substance yung sinasabi niya.”

Dagdag pa ng konsehala, “Mostly kasi ang pinag-usapan politics, government; kung hindi QC, Korea.

“Mostly, si Jasmine yung nagkukuwento nga, kung paano nga ang sistema sa Korea.”

Gayunpaman, nagkausap din daw ang dalawa tungkol sa kanilang personal na buhay.

During dinner, ayon kay Councilor Delarmente, natanong daw ni Mayor Herbert si Jasmine tungkol sa kanyang pamilya.

Sinabi umano ni Jasmine na mayroon siyang 18-year-old son.

“Tapos sabi ni Mayor, 'Mayroon din akong anak na 18-year-old,' ganyan.”

Naikuwento rin daw ni Jasmine kay Mayor Herbert kung paano nasawi ang asawa nito.

Dagdag pa ni Councilor Delarmente, obvious daw na enjoy ang dalawa sa pag-uusap.

“Kasi, unang-una nga, they have a lot of things in common.

"Nag-artista muna, nag-politics...

"Tapos makikita mo naman 'pag nag-uusap yung tao, makikita mo naman kung may connection or wala, 'di ba?"

Nagbiro pa nga raw si Mayor Herbert nang pini-picture-an silang dalawa na baka matsismis sila, at tumawa na lamang si Jasmine.

Pagbubunyag pa ng konsehala, “After that, I think mayor asked for her card.”

Naging maiksi lamang daw ang kuwentuhan ng dalawa dahil sa gabi ring iyon ay lilipad na pabalik sa Pilipinas si Mayor Herbert.

Kuwento ni Councilor Delarmente, “Actually, dumating kami dun 6 P.M.; 9 P.M., kailangan kaming umalis kasi mahuhuli siya sa biyahe niya.

“So, parang bitin 'yon.

"Parang, alam mo yung ayaw pa niyang umalis, pero kailangan, e. Kasi flight niya, alas-dose."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin ng PEP si Councilor Delarmente kung masasabi ba niyang interesado rin si Mayor Herbert kay Jasmine, sagot nito: “Oo naman. I can tell. Kitang-kita naman... smitten.

“Feeling ko, masyadong high school ang term na crush, more of smitten.

"Because, I think, more because she’s very smart and witty."

Aliw na aliw raw si Mayor Herbert kay Jasmine at kung paano siya magsalita.

“Yung paraan ng pagta-Tagalog, yung pagsasalita niya. Yung parang jeprox.

"Yung parang hindi pasosyal, parang si Mayor na kausap mo, cool lang."


HAPPY SI MAYOR THAT NIGHT. Sabi naman ng ikatlong source na nakausap ng PEP, na tumangging magpangalan, bago pa man sila magkita ay marami na ang nagrereto kina Mayor Herbert at Jasmine.

“Marami nang nagma-match sa kanila before, and it’s the only chance [na magkita sila sa Korea].

"Kasi single nga daw itong si Jasmine. This was the chance na mag-meet sila."

Ibinunyag pa ng third source kung paano niya masasabing may “something” sa pagitan nina Mayor Herbert at Jasmine.

“Medyo mahahalata mo naman if merong something.

"Kasi, at one point, sila na lang ang nag-uusap, hindi na kami kasama.

“With Jasmine kasi, I think si Mayor is attracted to women na matalino, yung ganun ang type niya.”

Bukod sa maganda, matalino rin daw si Jasmine.

Sabi ng third PEP source, “Kasi first meeting pa lang, I would think meron siyang nagsisimulang crush... parang ganun ang impression ko kay Mayor.”

Sa opinyon daw ng witness, may potensiyal na mag-click ang dalawa.

Sabi niya, “Posible siya.

"Yung nakikita ko lang na problema kasi, long-distance.

"But, I think, it would work for them if gusto talaga nila."

Usisa ng PEP: Nakikita ba niyang interesado si Mayor Herbert kay Jasmine?

Sagot ng source, “In my observation, I would say, oo. Para siyang happy that night.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaya ng second source, sinabi rin ng third source na "intellectual" ang usapan nina Mayor Herbert at Jasmine.

“Mostly very intellectual conversations... about history, about the work of Jasmine.

“Pero nung end, I did hear, they both said [that] they look forward to seeing each other again.

"Yun yung huli before we left."


WHO IS JASMINE? Si Jasmine—na ipinanganak bilang Jasmine Villanueva Bacurnay—ay tubong-Davao del Norte.

Nakilala niya ang kanyang napangasawang si Lee Dong-ho noong 1994. Nagpakasal ang dalawa noong 1995 at nanirahan sa Korea.

Binawian ng buhay ang asawa ni Jasmine nang atakihin ito sa puso noong 2010, matapos iligtas ang kanilang anak mula sa whirlpool sa ilog.

Mayroon silang dalawang anak.

Isa siyang TV and movie personality sa South Korea.

Gumawa si Jasmine ng kasaysayan nang ma-elect siya bilang kauna-unahang Pilipina at naturalized Korean proportional representative sa National Assembly ng Korea.

Isinusulong ng lady solon ang mga polisiya para sa multiculturalism at boses din siya ng immigrant families sa Korea, na kinabibilangan ng mga Pilipinong ikinasal sa mga Koreans.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN