Paulo Avelino shrugs off KC Concepcion’s major turn-offs Twitter post

Ipinagkibit-balikat lamang ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino ang diumano’y patama sa kanya ng ex-girlfriend na si KC Concepcion. Gusto raw niyang tingnan ito sa ibang perspektibo sa buhay.


Ngiti lang ang naging sagot ni Paulo Avelino sa mga nagsasabing siya ang pinatatamaan ng ex-girlfriend na si KC Concepcion sa Twitter post ng actress-TV host noong April 9.

Sa Twitter ay isiniwalat ni KC ang major turn-offs niya sa isang lalaki: “Disrespect, hiding a lot of things, an acid tongue & bad hygiene lol.”

Dahil dito, nagtalo ang fans ng Paulo-KC loveteam at mga tagahanga naman ng Piolo Pascual-KC tandem.

Parehong nakarelasyon ni KC ang dalawang ABS-CBN hunks.

Sinasabi kasi ng ilan na si Paulo ang tinutukoy ni KC sa Twitter post niyang ito.

Read: KC Concepcion reveals her major turn-offs: "Disrespect, hiding a lot of things, an acid tongue, and bad hygiene."


SMILE. Makalipas ang ilang oras pagkatapos ilabas ng PEP ang istorya tungkol sa Twitter post ni KC, nag-post naman si Paulo sa Instagram ng larawang may guhit na ngiti kagabi, April 14.

Makahulugan din ang hashtag niya ritong ‘#SeeThingsInADifferentLight

Caption ni Paulo dito: “'Smile.' I'd rather see it in a positive way. If you know what i mean. 😏 #SeeThingsInADifferentLight #Smile

"Smile". I'd rather see it in a positive way. If you know what i mean. 😏 #SeeThingsInADifferentLight #Smile

A photo posted by Paulo Avelino (@pauavelino) onApr 14, 2015 at 12:01pm PDTSuportado naman ng mga followers ni Paulo ang post niyang ito.

Suportado naman ng followers ng Bridges of Love star ang post niyang ito.

“I CAN TELL A LOT ABOUT A PERSON…” Samantala, mga bandang 10 A.M. ngayong Miyerkules ng umaga, April 15, isang makahulugang post naman sa Instagram ang ibinahagi ni KC sa kanyang followers.

Sabi ni KC, “I can tell a lot about a person by what they choose to see in me.”

Caption niya dito: “☝️true story!!!”

☝️true story!!!

A photo posted by Kristina Cassandra (@thisiskcconcepcion) onApr 14, 2015 at 7:40pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN