Xian Lim on status of relationship with Kim Chiu: "Sa mga ngiti niya, feeling ko, malapit na."

Xian Lim feels blessed to be in the same movie with Governor Vilma Santos and Angel Locsin. He says, "Mga award-winning actresses... sana makakuha ako kaunting tips man lang sa kanila. It’s such a blessing... kasama na rin yung kaba."


Tiyak na kikiligin ang mga tagahanga nina Xian Lim at Kim Chiu sa pahayag ng Kapamilya actor tungkol sa estado ng relasyon nila ng kapareha.

Sabi ni Xian, “Lagi ko ngang sinasabi na nararamdaman ko na malapit na.

“‘Di ko yun ipagdaramot, ayoko namang sabihin nila na nagpi-feeling ako.

“Pero sa mga ngiti niya, feeling ko, malapit na.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Xian look test para sa pelikula niya with Vilma and Angel.

BIRTHDAY MESSAGE. Samantala, laging may sorpresa si Xian para kay Kim sa mga espesyal na okasyon. Kagaya na lamang nitong kaarawan ng Kapamilya actress noong April 19.

Isang sulat para kay Kim ang ipinost ni Xian sa kanyang Instagram account.

Narito ang mensahe ni Xian para kay Kim:

"Dearest Kim,

"From our first time on screen together, and our first pic outside of work...So much has changed.

"From being a stranger from all the way across the world, you became someone I can trust, someone who will be there by my side, fighting and conquering battles of everyday life.

"From a small scene, to a song, then became a movie.

"From a page, we became a chapter then a book.

"From 3 people holding a banner sa mga mallshows natin to supporters sa ibat ibang sulok ng mundo.

"From strangers, we became family.

"Sa mga nagbabasa nito and you don't get what I'm trying to say, kindly leave my page. There is no room for negativity or any made up accounts taking up space in this post.

"What we have is special. YOU are very special.

"HAPPY BIRTHDAY @chinitaprincess Kimberly Sue Yap Chiu Always remember that if you need a shoulder to cry on, an open ear and a lending hand...I gotchiu"

Dearest Kim, From our first time on screen together, and our first pic outside of work...So much has changed. From being a stranger from all the way across the world, you became someone I can trust, someone who will be there by my side, fighting and conquering battles of everyday life. From a small scene, to a song, then became a movie. From a page, we became a chapter then a book. From 3 people holding a banner sa mga mallshows natin to supporters sa ibat ibang sulok ng mundo😄. From strangers, we became family. Sa mga nag babasa nito and you don't get what I'm trying to say, kindly leave my page. There is no room for negativity or any made up accounts taking up space in this post. 👍 What we have is special. YOU are very special. HAPPY BIRTHDAY @chinitaprincess Kimberly Sue Yap Chiu😊 Always remember that if you need a shoulder to cry on, an open ear and a lending hand...I gotchiu😄👍😁

A photo posted by Xian Lim (@xianlimm) onApr 19, 2015 at 10:40pm PDT


MOVIE WITH VILMA & ANGEL. Matagl-tagal na rin nang huling napanood sa serye man o pelikula ang tambalang KimXi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling napanood ang kanilang tambalan sa pelikulang Past Tense ng Star Cinema, at marami sa mga tagahanga ng dalawa ang naiinip kung kailan sila muling makikita sa isang project.

Sa ngayon ay sisimulan na ni Xian ang pelikulang pagbibidahan nina Governor Vilma Santos at Angel Locsin.

Nagpahayag ng excitement si Xian para sa proyektong ito.

Saad niya, “Basically, it’s management decision naman yun and I trust the management na isa itong napakagandang project.

"Hindi ko makuwento ang istorya, pero ako, nung binasa ko, 'Wow!'

"Parang I can’t wait to portray the role of Albert dito sa pelikula na ito."

Tiniyak naman ni Xian na may teleseryeng nakalinyang gawin nila ni Kim.

“Huwag silang maiinip, mayroon pa namang mga naka-lineup para sa amin ni Kim.

"Magsisismula na kami.

"Wala pang final na date na ibinibigay, pero sinabi naman na this year magaganap yun."


AN HONOR. Proud daw si Xian sa pelikula nila nina Governor Vilma at Angel. Pinapanood at hinahangaan daw niya ang dalawang aktres.

Sabi niya, "Pinaka-favorite ko yung tambalan nila ni Mr. Christopher de Leon. Nung bata pa ako, dun talaga ako naiiyak.

"I guess, nung mga time na yun, dun ko nakuha ko yung inspiration ko.

"Hindi siya romantic comedy pero, at the same time, yung onscreen na tambalan na may kahalong drama. Siguro dun ako humuhugot.

"It’s an honor na makahilera ako at makatrabaho ko ang isang Angel Locsin, ang isang Vilma Santos. Mga award-winning actresses.

"Sabi ko nga, sana makakuha ako kaunting tips man lang sa kanila.

“It’s such a blessing... kasama na rin yung kaba, pero more than that, nae-excite ako, I can’t wait to start.

"Matagal na rin itong nabanggit sa akin, sabi ko, 'Kailan kaya, kailan kaya?'

"Maganda yung first step ng pagpasok, so more excited."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN