Danica Sotto-Pingris reacts to removal of RR Enriquez and Jeck Maierhofer from Happy Wife, Happy Life

Naiintindihan daw ni Danica Sotto-Pingris ang desisyon ng TV5 management na tanggalin sa programa nilang Happy Wife, Happy Life ang co-hosts niyang sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer. Sabi ni Danica, “Importante kasi sa trabaho nating ito ay yung credibility at yung image mo sa mga manonood.”


Nalungkot daw si Danica Sotto-Pingris nang ipaalam sa kanila ng pamunuan ng TV5 na hindi na makakasama sa second season ng morning-lifestyle show na Happy Wife, Happy Life sina RR Enriquez at Jeck Maeirhofer.

May kinalaman ang pagkakatanggal nina RR at Jeck sa show sa ginawa nilang pag-upload ng video kunsaan may binubusinahan silang natutulog na commuter sa isang UV Express van.

Read: RR Enriquez and Jeck Maierhofer get bashed by netizens for honking loudly at sleeping passenger

Ayon sa management ng TV5, hindi nila pinalalampas ang anumang unruly behavior ng kanilang talents.

Ang pag-upload nina RR at Jeck ng video sa kanilang social media accounts ay isang kasiraan daw sa imahe ng Kapatid network.

Nakatanggap ng negative feedback mula sa netizens ang ginawang iyon nila RR at Jeck, kaya nagdesisyon ang TV5 management na tanggalin sila sa show para wala nang iba pang madamay.

Kaya ang makakasama na nina Danica at LJ Moreno-Alapag sa second season ng Happy Wife, Happy Life ay si Mariel Rodriguez.

Sa launching ng second season ng Happy Wife, Happy Life noong April 13, sinabi ni Danica na naging close silang apat nina LJ, RR, at Jeck noong ginagawa nila ang show.

Pero wala naman daw siyang magagawa dahil nakapagdesisyon na ang TV5 management na tanggalin sa show sina RR at Jeck.

Saad pa ng TV host, “Nagulat din ako sa nagawa nilang iyon.

“I guess, may katuwiran naman ang TV5 sa naging desisyon nila.

“Sa nangyaring iyon, may natutunan naman sila. Huwag basta-basta mag-upload ng kung anu-anong videos na puwedeng makasira sa trabaho mo.

“Importante kasi sa trabaho nating ito ay yung credibility at yung image mo sa mga manonood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN