Sarah Geronimo has gotten used to being seen with Matteo Guidicelli in public

Sarah Geronimo on settling down: "Ang usaping ganyan, hindi mo kasi malalaman ’yan kung kailan darating. Pero kapag when the right time comes, ’pag alam ko na siguradung-sigurado na, at stable na, at ready na ako, then go, go."


Nagbigay ng reaksiyon ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo tungkol sa lumabas na larawan nila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli habang nagdi-date sa isang mall sa Makati City.

Sabi ni Sarah tungkol dito, “At first po, parang uncomfortable tayo't uneasy na laging nakukunan.

“Pero yun talaga ang ano, e… Kasi nasa public ka at hindi talaga maiiwasan, ‘di ba?

“Naiintindihan ko na yun.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Matteo sa birthday party nito na kaya hawak nito ang kamay ni Sarah ay dahil baka makawala pa raw ito.

Natatawang sabi ni Sarah, “E, tingnan natin kung talagang mini-mean niya yun!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Sarah bago pa man nagsimula ang contract signing niya bilang pinakabago at kauna-unahang Pinay celebrity endorser ng Jag Jeans.

Ginanap ito sa New World Hotel, Makati City, kahapon, April 14.

BACK TO SCHOOL. Sa kabilang banda, nabuksan ang tungkol sa pagnanais ni Sarah na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Dahil sa kanyang pagiging abala sa showbiz, mula nang manalo siya sa Star For A Night noong 2002, ay natigil na siya sa pag-aaral.

Sabi ni Sarah, "Alam naman 'yan ng Viva.

"Gustung-gusto rin naman nilang gawin 'yan para sa akin, pero baka next year.

"Kasi this year, punumpuno na, e [ang schedules].

"Hindi pa rin po ako decided kung paano ang magiging eksena, kung ano ang mas convenient para sa akin."

Ano namang kurso ang gusto niyang kunin?

“Wala pa naman po.

“Kasi, nandito na ako sa linya ng pagiging singer, performer, gusto ko sana ay yung makakatulong pa lalo sana sa akin.

“Pero we'll see kung ano ang fallback, 'di ba?”

Ilang taon pa niya nakikita ang kanyang sarili na nasa entertainment scene?

“Five more years... ilang taon na lang!” natawang sagot niya.

Ngunit dagdag ni Sarah, “Marami pa akong gustong matutunan, maraming gustong maibalik sa mga sumusuporta't naniniwala sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, sobrang kulang ang naibibigay ko sa kanila.

“Sobra-sobra ang suporta nila, so parang I owe them a lot.”

Dugtong pa niya, "Pagdating dun as a perfomer, not just as a person, ibibigay mo talaga ang lahat-lahat.

"As a performer or an artist, I feel responsible na may kailangan pa akong gawin.

“Para sa OPM [Original Pilipino Music], kasi part na tayo ng OPM, e.

“So, may obligasyon na talaga tayo.”

WEDDING TALKS. Kaya kahit ang tungkol sa pag-aasawa ay tila malayo pa sa kanyang plano't isipan.

Sabi ng 26-year-old singer-actress, "Naiisip ko din po.

“Pero ang usaping ganyan, hindi mo kasi malalaman 'yan kung kailan darating.

“Pero kapag when the right time comes, 'pag alam ko na siguradung-sigurado na, at stable na, at ready na ako, then go, go."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN