Mikael Daez-Megan Young relationship still a guessing game

Will Mikael Daez play the role of Sergio if the rumor is true that Megan Young is being tapped to lead the remake of Marimar? “That’s up to GMA, ako I’m always open, that would be a big blessing. Kung mangyari, mangyayari,” he says.


Kinunan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael Daez tungkol sa pagbabalik sa GMA Network ng rumored girlfriend niyang si Miss World 2013 Megan Young.

Sagot ng Kapuso actor-TV host, “Siyempre masaya naman ako, I’m excited for her.

“And for the network, I mean, we have a beauty queen with us right now.

“I think it’s gonna be good for her and the network, I mean, exciting.”

Sakali namang makatrabaho niya si Megan, sabi ni Mikael, “Yeah, why not, 'di ba?”

MIKAEL AS SERGIO? May unconfirmed reports na si Megan ang gaganap na bida sa remake ng Marimar sa GMA.

Pero natatawang sabi ni Mikael, “Iyon yung wala akong alam!”

Nanaisin ba ni Mikael na siya ang mapili para gumanap bilang love interest ni Marimar na si Sergio Santibañez?

“That’s up to GMA. Ako, I’m always open, that would be a big blessing.

“Kung mangyari, mangyayari.”

May mga nagsasabing bagay kay Mikael ang naturang papel.

“E, sabihin nyo sa kanila para ma-push!” at tumawa ang Kapuso hunk.

Wala raw audition na pinagdaanan si Mikael para gumanap sa papel na Sergio sa Marimar remake.

“Nah, no, I haven’t had any auditions lately.”

Kung hindi naman mapunta sa kanya ang role na Sergio, “Wala naman sa ano ko yun!

“Ako naman, siyempre this is work, iba na 'yan, walang personalan 'pag work.

“Time will come when GMA thinks that you’re ready, so ganun lang naman yun.

“Very patient naman ako. I’m very thankful for the work I’ve received.

“Pupunta nga akong Cambodia, aangal pa ba ako?”

Aalis si Mikael, kasama si Andrea Torres, papunta sa Phnom Penh, Cambodia ngayong Biyernes, April 17 para mag-shoot ng Blood In Dispute, isang bagong mini-TV series na co-produced sa kauna-unahang pagkakataon ng GMA at ng isang foreign TV station, ang Cambodia TV Network o CTN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mamalagi sila roon para sa shooting at promo ng Blood In Dispute hanggang sa May 7.

Makakatrabaho nina Mikael at Andrea ang international actors na sina Khat Vaihang, Maes Thorn Sreynai, at Tep Rindaro.

Ang direktor nito ay ang acclaimed Canadian director na si Ken Simpson.


FOUR YEARS. Ngayong summer, saan planong magbakasyon ni Mikael?

“Wala na, tapos na ang summer vacation, trabaho na tayo,” sagot niya.

Nitong nakaraang Holy Week, sila ni Megan kasama ang mga kaibigan nila ay pumunta sa Zambales.

“Annually naman, nagkakasama naman kaming mga friends.

“It’s been what, three, four years na yata na ginagawa namin yun, enjoy lang naman.”

So, ibig sabihin, four years na rin sila ni Megan?

Sabi naman ni Mikael, “Well, I have known her for four years, so that’s never been a secret naman.”

Nang tanungin kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Megan, katulad ng dati ay panay pag-iwas ang tugon ng aktor.

“Tingnan natin pagbalik natin ng Cambodia,” sambit lang niya.

Pero masaya siya?

“Oo naman, happy naman ako.”

Happy rin ba si Megan?

“I’m sure she’s very happy, she just signed a new contract [with GMA], ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN