Divine Lee, Victor Basa confirm taking a break from each other

After engagements and weddings have gone viral in showbiz, news of couples splitting up are spreading like wild fire in local tinseltown. The latest are Divine Lee and Victor Basa who both confirmed they’re cooling off.


Kinumpirma ng model-actor na si Victor Basa at ng TV host na si Divine Lee, sa magkahiwalay na panayam, na may pinagdadaanan ngayon ang kanilang relasyon.

Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa sa Saucony launch sa Black Market club, sa Makati City, Miyerkules ng gabi, April 15.

Naunang dumating si Victor sa venue at sumunod naman si Divine kasama ang kaibigan nitong chef na si Jeremy Favia.

Ilang araw na ring tinatanong ng mga tagahanga ng dalawa sa comments section ng kani-kanilang Instagram accounts ang estado ng kanilang relationship.

Napansin kasi ng kanilang followers na hindi na masyadong nagpu-post ang dalawa ng mga litrato na magkasama sila kaya naman lumabas ang isyung nag-break na sila.

Partikular na noong nakaraang Holy Week, kung saan magkahiwalay na nagbakasyon sina Divine at Victor kasama ang kani-kanilang mga kaibigan.

Sunud-sunod din ang posts ni Divine sa kanyang Instagram kasama si Jeremy, kaya naman inakala ng kanilang followers na ito ang bagong boyfriend ng TV personality.


THE LONG EXPLANATION. Sa isa sa mga reply ni Divine sa kanyang followers sa Instagram, nilinaw nitong best friend niya si Jeremy kaya mas madalas niya itong kasama.

Ngunit ipinahiwatig ni Divine sa hiwalay na komento na nagkakalabuan na sila ni Victor.

Ang kanyang buong reply: “I've been answering over and over, [di] bale.

“I-blog ko na lang para isahan na. Haha!

“I honestly appreciate your concern but I can't help but be honest.

“Pero wala naman talaga kami masasagot as of now because we are trying to grow and figure out things kaya nga parati mga friends namin kasama namin.

“Trying out new things. I guess, we made ourselves an island.

“So, it's about time to grow again with other people, friends and do new things, so we have more to add to our relationships.

“All relationships go through a stage like this, I guess, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Don't worry, matatag naman foundation namin as friends.

“We've been friends since kids!”

HIS CURT REPLY. Tinanong din ng PEP si Victor tungkol sa balitang hiwalayan nila ni Divine.

Ang maiksing pahayag ni Victor: “There is some truth to that. That’s all I have to say.”

Dagdag pa niya, “But, you know, I care for her and she’ll always be very special to me.”

Hindi na rin idinetalye ni Victor ang tungkol dito.

Paliwanag niya, “It’s not the gentleman thing to do.”

Sa hiwalay na panayam naman ng PEP kay Divine sa Saucony launch, kinumpirma nitong on the rocks nga ang kanilang relasyon at magkahiwalay sila sa ngayon.

Aniya, “We’re going through a rough path. Actually, he’s there [outside].

“Okay pa naman kami, we talk.

"I guess, I mean, all couples naman go through challenges, 'di ba?

“I hope we come out better and stronger people.”

Katulad ni Victor, hindi rin sinabi ni Divine ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Paliwanag niya, “I don’t think any of us would go into details kasi there are things that we want to keep personal naman, ‘di ba?

“Para mas maayos nang mabuti kasi mahirap din naman kapag maraming nakikialam, 'di ba?”

Tatlong taong tumagal ang relasyon nina Divine at Victor bilang live-in partner.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN