Ai-Ai delas Alas signs two-year exclusive contract with GMA Network

Ai-Ai delas Alas balik-Kapuso na matapos pumirma ng two-year exclusive, guaranteed contract sa GMA Network ngayong Huwebes ng umaga, April 16. Kasama ni Ai-Ai na pumirma ng kontrata sina (mula sa kaliwa) Ms. Lilybeth Rasonable, Senior Vice President for Entertainment TV; Mr. Jimmy Duavit, President and COO; Atty. Felipe L. Gozon, Chairman and CEO; at Ms. Redgie Magno, VP for Drama Productions.


Two-year exclusive, guaranteed contract ang pinirmahan ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network.

Naganap ang contract signing sa 17th floor ng GMA Network Center ngayong Huwebes ng umaga, April 16.

Dinaluhan ito ng top executives ng Kapuso network sa pangunguna nina Atty. Felipe Gozon, Chairman and CEO; Mr. Jimmy Duavit, President and COO; Ms. Lilybeth Rasonable, Senior Vice President for Entertainment TV; at Ms. Redgie Magno, Vice President for Drama Productions.

Naging emosyunal si Ai-Ai nang magbigay ng maikling pananalita ang Kapuso executives, lalo na nang banggitin ni Atty. Gozon na paborito niya ang Comedy Queen.

Sabi ni Atty. Gozon, "Hindi ko nakakalimutan na dati ay Kapuso natin si Ai-Ai.

"Hindi lamang magaling na comedienne si Ai-Ai, magaling na artista, talagang professional… Si Ai-Ai ay paborito ko."

Naikuwento naman ni Mr. Duavit na nagpalakpakan ang mga nakasabay niyang mga empleyado sa elevator, paakyat ng 17th floor, nang malamang darating si Ai-Ai upang i-formalize ang pagbabalik nito sa GMA.

Dagdag pa ng Chairman at COO ng GMA, "Lahat ng mga Kapuso natutuwa, Ai-Ai, sa iyong pagbabalik, and we look forward with great anticipation working with you again."

Sa kanya namang pahayag, sinabi ni Ai-Ai, "I have returned. Nandito na po ako ulit sa dati kong tahanan.

“Sabi ko nga, ang buhay ko ay parang buhay ko sa showbiz.

"Kasi po, ang paglipat ko ay parang doon po sa probinsiya na kinuha ako ng auntie ko, pinag-aral ako sa Maynila.

"Ngayon, galing ako sa totoo kong nanay, ito ngang GMA.

"Tapos napunta ako sa Kapamilya, yun yung nanay na nag-alaga sa akin.

"Ngayon po ay babalik na ako dito sa totoo kong nanay.

"Ang kaibahan lang po ay nung bumalik ang totoong nanay ko, may Alzheimer na po siya."

Naiiyak pang sabi ng Comedy Queen, “Pero ang GMA, hindi ako kinalimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming-maraming salamat po sa mainit ninyong pagtanggap sa akin."

Kabilang sa mga gagawing proyekto ni Ai-Ai sa kanyang pagbabalik sa GMA ay ang teleseryeng Let The Love Begin, isang talk show kasama si Ryzza Mae Dizon, isang Sunday show, at isang sitcom kasama si Vic Sotto.

Damang-dama na may espesyal na kaganapan ngayong araw sa GMA.

Pagbungad pa lang sa lobby ng GMA Network Center ay malalaman mo nang may espesyal na okasyong magaganap.

May nakalatag kasing red carpet sa may lobby na napapalamutian ng nakapakaraming bulaklak.

Pasabog din ang damit na suot ni Ai-Ai sa kanyang contract signing; gawa raw ito ni Maxi Cinco.

Mamayang bandang alas-tres ng hapon naman ay magkakaroon ng munting parada sa paligid ng GMA Network upang ipaalam sa lahat ang kanyang pagbabalik.

Taong 1991 nang unang lumabas si Ai-Ai sa bakuran ng GMA sa pamamagitan ng late-night talk show na R.S.V.P., kung saan pinasikat niya ang karakter na Cheenie La Chicka.

Naging host din siya ng defunct noontime shows ng Siete na Lunch Date at Salu-Salo Together.

Ginawa rin niya ang sitcom na 1 For 3 kasama sina Vic Sotto at Rosanna Roces.

Taong 1998 nang lumipat si Ai-Ai sa bakuran ng ABS-CBN.

Sa Kapamilya network ay naging bahagi siya ng variety shows (Magandang Tanghali Bayan, Masayang Tanghali Bayan, at Pilipinas Got Talent); sitcoms (Arriba, Arriba!, Whattamen, Ang Tanging Ina, My Juan and Only, Volta, M3, at Toda Max); talk shows (Morning Star at Ruffa & Ai); at teleseryes (Bituing Walang Ningning, Super Inggo, Princess Sarah, I Love Betty La Fea, May Bukas Pa, Maria del Barrio, My Binondo Girl, Wako Wako, at Dyesebel).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN