Andi Eigenmann denies reconciliation with Jake Ejercito: “We’re not back together, we’re not even trying.”

Inamin ni Andi Eigenmann na maayos na ulit ang relasyon nila ng dating nobyong si Jake Ejercito, pero hindi raw sila nagkabalikan. Kinumprima rin niyang nakakasama ng anak niyang si Ellie si Jake sa ilang pagkakataon. Sabi pa niya, “They’re friends, I mean, they’re close.”


Kumalat sa social media ngayong araw, April 16, ang larawan ni Andi Eigenmann kasama ang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Dahil dito, marami ang naghinalang nagkabalikan na naman ang dalawa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andi, inamin nitong sila nga ni Jake ang nasa larawan.

Ngunit sa tanong kung nakabalikan na sila, sagot ng Kapamilya actress: “Hindi po.”

Marahil, marami na ang nagsasawa sa mga balitang hiwalay o nagkabalikan sina Andi at Jake.

Kapag kasing may ganitong balita, pagkalipas ng ilang araw ay makikita na namang magkasama ang dalawa.

Kaya tanong ng PEP kay Andi: Bakit hindi sila matapus-tapos ni Jake?

Natatawang sagot nito, “E, hindi ko rin alam, e!

“Yun nga po, ang tagal na yun.

“Before mag-enter si Bret… and before kaming maghiwalay ni Jake… as in hiwalay na hiwalay talaga, in people’s eyes, kami-hindi, kami-hindi, kami-hindi.

"My family would also say the same thing, because they know what’s going on.

“In other people’s eyes, feeling nila, kami-hindi, kami-hindi...

"Kasi, bawat oras na magkasama kami, kami.

“Bawat oras na hindi, hindi kami.

"Hindi naman ganun, e. There’s more to it than that."

Diin pa ni Andi, “Jake was not in showbiz and he was not obliged to share his personal life to the world.

“And so I just wanted then to protect that.”

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Andi sa grand presscon ng pelikulang Your Place or Mine, na ginanap sa Music Hall, Ortigas, Pasig City, ngayong Huwebes ng tanghali, April 16.

Kasama ni Andi sa pelikula si Andre Paras at ang nali-link sa kanya ngayong si Bret Jackson.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa April 29.


IT’S ALL OVER NOW. Ayon pa kay Andi, maayos na ngayon ang samahan nila ni Jake, pero hanggang pagkakaibigan lamang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit niya, “We’re not back together, we’re not even trying. Walang ganun.”

Ngayon daw, kapag nagkakasama sila, lagi niyang hinihiritan si Jake. Hindi raw siya masyadong mabait sa ex-boyfriend.

Diin pa ni Andi, “It’s already done, it’s already over.”

Nagselos ba siya noon kay KC del Rosario, na napabalitang naging malapit kay Jake?

Si KC o Karraminah Clarisse del Rosario ay kapatid ni Samantha Richelle del Rosario, girlfriend ng Azkals player na si Anton del Rosario.

Read: Jake Ejercito rumored to be dating non-showbiz girl; gets bashed due to issue involving Andi Eigenmann

Pag-amin ng 24-year-old actress, “Opo, opo.”

Inamin din niyang kinumpronta niya si Jake tungkol kay KC, pero hindi na niya ito idinetalye.

Ngunit hindi naman daw ito ang talagang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Jake.

Isa lang daw ito sa naging factors para tapusin na nila ang kanilang halos apat na taong relasyon.

Pag-amin ni Andi, marami rin siyang naging pagkukulang sa relasyon nila ni Jake, pero dumating lang daw sa puntong hindi na niya kaya.

“Yeah, that’s one of my biggest issues when we were still together.

“Pero it wasn’t really the reason for the breakup.”

JAKE AND ELLIE. Samantala, sa Instagram posts ni Jake, madalas nitong ibinabahagi ang larawan at videos kasama ang anak ni Andi na si Ellie.

Bakit madalas kasama ng dating nobyo ang kanyang anak?

Tugon ni Andi, “Hindi naman po palaging magkasama.

"It’s just that, he’s not here all the time. He’s not based here and whenever he comes to visit…

"That’s the thing—si Ellie, important sa kanya na makita.

"They’re friends... I mean, they’re close."

Saad pa ni Andi, “He cares about her.

"So, the other day, nagkaroon lang siya [Ellie] ng pictorial, sobrang wala lang siya sa mood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, tinawagan ko lahat ng mga pamilya ko na pumunta para tulungan akong libangin siya.

"Tapos, nagkataon na si Jake nag-text, kasi malapit siya dun sa area, so napadaan na rin siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN