Ai-Ai delas Alas signals her return to GMA with a homecoming parade

Snow White and the 7 Dwarfs ang tila peg ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang homecoming parade sa GMA Network. Kasamang pumarada ng Comedy Queen ang pitong midgets sa paligid ng GMA Network Center ngayong Huwebes ng hapon, April 16.


Nabulabog ang kahabaan ng Sgt. Esguerra Avenue at Timog Avenue, sa Quezon City, ngayong Huwebes ng hapon, April 16, dahil sa homecoming parade ni Ai-Ai delas Alas sa GMA Network.

Nagsimula ang parada sa Sgt. Esguerra at natapos sa GMA Network Center building sa Timog Avenue.

Kasama ni Ai-Ai sa homecoming parade ang “7 Dwarfs”, ang banda ng musiko, at ang kanyang mga supporter na may hawak na tarpaulin na may nakasulat na “Welcome Back Kapuso Ai-Ai delas Alas, I Have Returned.”

Huminto ang mga motorista nang makita nila ang karwahe na sinasakyan ni Ai-Ai, na napapalamutian ng fresh red roses.

Gamit ang kanilang mga cellphone camera, kinunan nila ng litrato ang nagbabalik-Kapuso na Comedy Queen.

Napaluha naman si Ai-Ai nang dumating siya sa GMA Network compound dahil sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga empleyado na matiyagang naghintay sa pagdating niya.

May mga hawak na red balloons at nakasuot ng mga korona ang GMA employees na naghihiyawan sa tuwa dahil sa pagbabalik ni Ai-Ai sa Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN