Inah Estrada says mom Janice de Belen does not need a man

Inah Estrada on being the daughter of acclaimed actors: “The pressure to be as good as my dad and my mom. ‘Yan ang pinaka-challenging for me. It would have been easier if I wasn’t anak ng artista or if I wasn’t siguro connected with them. They’re really good actors kaya kailangan i-set yung bar and people would always expect from me, so pressure lang.”


Ang The Nerdy Turns Into A Hottie Chick ang ikalawang Wattpad Presents episode na tinampukan ni Inah Estrada.

Ngunit sa pagkakataong ito ay siya na ang bida; katambal ang Kapatid young actor na si Akihiro Blanco.

Sabi ni Inah, “Sobrang saya yung feeling nung nalaman ko na magwa-Wattpad uli ako.

"Sobrang saya ko kasi sobrang ganda ng story. It was really, really fun."

Humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sina Inah at Akihiro sa presscon ng kanilang Wattpad Presents episode ngayong Huwebes, April 16.


ON JANICE’S LOVELIFE. Si Inah ang panganay sa apat na anak ng dating mag-asawang John Estrada at Janice de Belen.

Nakatira si Inah at ang tatlo niyang kapatid sa poder ng kanilang ina.

Kasal na ngayon ang kanyang amang si John Estrada sa Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles.

Sa kabilang banda, wala namang napapabalitang boyfriend ngayon si Janice.

Pero tanong kay Inah: Hindi ba nila inaasam na magka-lovelife din ang kanilang ina?

Sagot ng 21-year-old actress, “Actually, for now, for me, she doesn’t need a man to complete her.

“She already has us, and I think that’s enough for her.

“Kami na lang.”

Alam naman daw ng kanilang ina ang mga sentimyento nilang magkakapatid.

Sabi pa ni Inah, “She’s very happy and I’m really happy for my mom.

"She’s really doing really well right now.

“She works a lot and she’s in a very good place.”

Nasa bakuran ng ABS-CBN si Janice ngayon at kasama sa daytime teleseryeng Oh My G!

Pero open ba ang kanilang ina pagdating sa pagkakaroon ng lovelife?

Pag-amin ni Inah, “She actually is.

“I don’t remember the last time she had a boyfriend, so I really don’t know and how.

“But yun nga, for now, I’m just really happy that she’s happy and she’s in a good place now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ayaw na niyang magkaroon ng lovelife ang ina?

“For me, huwag na lang. Kami na lang,” ulit ni Inah.


INAH’S PRESSURE. Ano naman ang sabi ng ina tungkol sa kanyang first starring role sa TV?

Sagot ni Inah, “'Just do your best, kaya mo ‘yan, I’m supportive of you.'”

Inusisa rin ng PEP ang dalaga kung ano ang pinakamalaking hamon para sa kanya ngayong nag-aartista siya.

“The pressure to be as good as my dad and my mom. ‘Yan ang pinaka-challenging for me.

“It would have been easier if I wasn’t anak ng artista or if I wasn’t siguro connected with them.

“They’re really good actors kaya kailangan i-set yung bar and people would always expect from me, so pressure lang.”

Ano naman ang advantages at disadvantages ng pagiging anak ng mga artista?

Ayon kay Inah, “Actually, yung advantage is siyempre both my parents are good actors.

“Napapanood ko ang ginagawa talaga nila, and because of watching them, minsan 'pag nagti-taping yung mom ko or dad ko, sumasama talaga ako.

"So, I really know how they work.

“Work ethics nila is very, very strong talaga.

“And that’s what I love about it, and it’s in the genes din siguro."

Patuloy niya, “The disadvantage, the pressure.

“The pressure will always be there from the very start talaga, yun ang iniisip ko.

“And that’s why both of my parents tell me, like, ‘Inah, hindi mo maiaalis yung expectations ng mga tao sa 'yo because you’re our daughter.’

“And my parents are very, very good actors, so the bar should be… if I cannot be better than them, I have to be as good as them.”

Ang Wattpad Presents: The Nerdy Girl Turns Into a Hottie Chick ay magsisimulang mapanood ngayong April 20, 9 P.M., sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN