Ryan Cayabyab not expecting to be named National Artist

Ryan Cayabyab on calls for him to be named National Artist: "Mahirap i-fill iyang bill na iyan bilang isang National Artist. Ibig kong sabihin, ewan ko kung lahat ng gawa ko ay masasabi natin na pasado na iyan diyan sa factors that will make a person or a Filipino a National Artist. Hindi ko alam, e.”


Hindi raw lingid sa kaalaman ng composer at musician na si Ryan Cayabyab na may grupong gustong magsulong para tanghalin siyang National Artist for Music and Musical Theater dahil sa kanyang madami at mahahalagang mga kontribusyon sa industriya ng musika sa Pilipinas, lalo na sa tinatawag nating Original Pilipino Music (OPM).

Noong isang buwan nga ay lumabas ang balitang maglulunsad ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), sa pamumuno ni Ogie Alcasid, ng isang kampanya para tanghaling National Artist si Ryan.

Ayon kay Mr. C, palayaw ni Ryan, bagamat nagpapasalamat siya sa ginagawang ito ng kanyang mga kasamahan sa industriya, hindi naman daw nakatuon ang kanyang isip para makuha ang mataas na pagkilalang ito.

Saad niya, “Alam mo, hindi ko talaga iniisip yun.

“Yung mga nagtutulak na itanghal akong National Artist ng music, nagpapasalamat ako sa movement na iyan, sa OPM iyan, sina Ogie Alcasid iyan, maraming salamat sa inyo.

“Pero mas masaya ako na nakakapagtrabaho ako, freelance ako, na maraming natatanggap na… dumarating na chances na makapagsulat ako [ng kanta], mas masaya ako na ganun ang aking ginagawa.”

Pero hindi naman matitigil ang pagdating ng trabaho kahit na National Artist na siya, hindi ba?

“Hindi na, baka tumigil iyon, e. Baka hindi na ako kunin.

“‘Hoy, huwag na nating kunin iyan, National Artist na iyan!’” biro niya.

Patuloy pa ni Mr. C, “Anyway, whatever happens, I’m very happy, but like everything else, we do not expect.

“At the same time, alam niyo, mahirap i-fill iyang bill na iyan bilang isang National Artist.

“Ibig kong sabihin, ewan ko kung lahat ng gawa ko ay masasabi natin na pasado na iyan diyan sa factors that will make a person or a Filipino a National Artist.

“Hindi ko alam, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Mr. C sa presscon at announcement ng 12 finalists sa Philippine Popular Music Festival o PhilPop 2015, kung saan siya ang executive director ng Philpop MusicFest Foundation Inc., ang organizer ng naturang annual songwriting competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang presscon noong Huwebes, Abril 16, sa Sequoia Hotel, sa Mother Ignacia Ave., Quezon City.

ACHIEVEMENTS & BODY OF WORK. Napakarami na ng achievements ni Mr. C kung pag-uusapan ang musika at musical theater.

Hindi na rin mabilang ang tributes, honors, at awards na natanggap niya.

Kabilang na rito ang Lifetime Achievement Awards mula sa Gawad CCP for Music, Awit Awards, MYX Music Awards, Star Awards for Music, at iba pa.

Kaya naman daw ang naiisip na susunod na parangal na dapat makuha niya ay ang National Artist.

Pero ayon kay Mr. C, hindi naman basta-basta nakukuha ang rekognisyong ito.

“Hindi biro ang pagiging National Artist, hindi siya biro talaga, as in you have to fit the bill.

“So, mahahanay ka doon sa mga totoong National Artist, ibang kuwento iyon, e.

“I’m very happy with what I’m doing, I’m very happy with my career.

“I am very happy that I am harnessed as an educator, I am harnessed as a person who shares things for Philippine music.

“But I’m also happy because I’m able to write my music.

“Kahit sabihin ko na nakasampung musicals na ako, nakadalawang ballet na ako, and they’re known, kilala sila, magmamayabang lang ako na kilala sila.

“At least, may masasabi ako na sa industriyang ito, kaya nila itinutulak [ang National Artist], kasi ang feeling nila, malaki yung contribution ko sa certain sector.

“For example, Philippine music theater, yung Katy, yung Spoliarium, yung Larawan, yung Noli Me Tangere, yung El Filibusterismo, yung mga ganyan, yung Magnificat, kung anu-anong musicals na iyan sa teatro, I think they find it a worthwhile contribution.”

Dagdag pa niya, “And then, also in Philippine popular music, I’m still writing and I’m happy.

“I would ask you to help me kasi I just finished recording an entire album of my new songs with RCS [Ryan Cayabyab Singers].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, actually seven new songs and five covers of past songs na hindi siya naging kilala.

“And then, Aiza [Seguerra] is giving me a tribute sa album niya sa UR [Universal Records] of my songs.”

Confident ba siya sa kanyang credentials if ever na sumulong na ang campaign for National Artist?

Sagot ni Mr. C, “Well, I’ve done my best, I’ve done my work.

“I’ve been working… I have not stop working.

“Sa National Artist, ang kinu-cover naman talaga niya yung lifetime work mo.

“So, tama si Nestor Torre na it’s not this work I’m doing, it’s not the work I’m doing for PhilPop, for teaching, for organizing.

“Hindi naman iyon ang nare-recognize sa National Artist, e.

“Ang nire-recognize, yung body of work.

“So, I’m not saying I’m confident, I’m just saying that this is my life work.

“Kung hindi siya pasado sa mga taong namamahala para suriin ang aking life work, kung hindi pasado, e, di hindi.

“Ganun lang kasimple, okay lang.”

Hindi raw siya nag-e-expect ng anuman, kaya kung hindi man siya maging National Artist ay masaya pa rin siya.

“Masaya ako, okay lang, tuloy ang buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN