Kathryn Bernardo reacts to Daniel Padilla’s viral ’RIP’ photo: “Hindi nakakatuwa… below-the-belt ’yon.”

Kathryn Bernardo has a message to the culprits behind Daniel Padilla’s ’RIP’ photo: “Kung sino man yung gumawa nun, alam niya sigurong mali ’yon and sana huli na ’yon na mangyari.”


Ayon kay Kathryn Bernardo, hindi niya kailangang magpanggap para mahalin siya ng kanyang fans.

Maging sa social media, milyun-milyon ang followers ng tinaguriang Teen Queen: 2 million followers sa Instagram at 4.5 million followers sa Twitter.

Pahayag ni Kathryn, “Yung mga fans talaga, solid sila and thankful ako.

"Ever since, andiyan sila to support me, to support my endorsements.

"Andiyan sila sa lahat ng activities na ginagawa ko.

“Kailangan ko lang maging ako, kung sino [ako], mahalin nila ako lang talaga 'yon and hindi ako magpe-pretend.”

Nauunawaan din daw ni Kathryn kung may mga pagkakataong may inaaway ang kanyang mga tagahanga sa social media, lalo na kung nasa lugar sila.

“Kung meron naman silang ipinaglalaban, normal naman siguro.

"Kung fan din ako, ganun din ako magre-react, ipo-protect ko din siyempre yung idol ko.

“Pero siyempre, dun tayo parati sa hindi tayo masyado magiging below-the-belt.

"And, of course, aware din naman ang fans namin ni DJ [Daniel Padilla] na careful sila sa mga sinasabi at pinu-protect nila kasi grabe ang passion nila for us."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang Kapamilya star sa launching niya bilang pinakabagong endorser ng OraCare mouthwash, sa 55 Events Place sa Tomas Morato, Quezon City, nitong Biyernes, April 17.

RIP PHOTO. Na-react din ang aktres tungkol sa lumabas na viral photo kamakailan kung saan in-edit ang photo ni Daniel na nasa loob ng kabaong, samantalang nasa tabi naman ng kabaong si Kathryn.

Mayroon ding nakasulat na "RIP" sa nasabing edited photo.

Ano ang reaksiyon ni Kathryn dito?

“Siyempre hindi nakakatuwa kasi parang below-the-belt na 'yon.

"Pero siguro hindi na lang namin masyadong inisip ni DJ.

"So, parang kami, huwag na lang siguro pansinin, kasi feeling namin mga bata lang yung gumawa nun.

“Kung sino man yung gumawa nun, alam niya sigurong mali 'yon and sana huli na 'yon na mangyari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENDORSEMENT. Samantala, masaya naman si Kathryn sa kanyang pinakabagong endorsement dahil pangarap daw niyang mag-endorse ng isang produkto ng Pascual Laboraties.

“I’m very happy kasi nga super-gusto ko yung Pascual Lab, gusto kong maging part nun, matagal na.

“And happy ako na ini-endorse ko ang OraCare.

“Mae-encourage ko yung mga youth to use this product.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN