Marian Rivera withdraws from The Rich Man’s Daughter

Marian Rivera earlier expressed her desire to continue working on The Rich Man’s Daughter, until this statement from GMA Network.


Nagpadala ng official statement ang GMA Network tungkol sa kalagayan ni Marian Rivera at sa mga commitment nito sa nabanggit na istasyon.

Mula kasi nang i-announce ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes ang tungkol sa pagdadalantao ng Kapuso Primetime Queen, naging usap-usapan kung magagampanan pa ba ng aktres ang tungkulin bilang bida sa nasimulan na nitong teleserye, ang The Rich Man's Daughter.

Nagpayahag naman ng kagustuhan si Marian noon na gusto niyang tapusin ang The Rich Man's Daughter.

"Sana, kasi gusto ko, e. Once na pinasok ko, tinatapos ko, e," paniniyak pa ni Marian sa kanyang interview.

Read: Marian Rivera to continue working even while she's pregnant: "In fairness sa GMA, compromise naman kami."

Ngunit sa official statement ng GMA na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes ng gabi, April 17, inihayag na tuluyan nang umatras si Marian sa nabanggit na programa at sa iba pa nitong natanguang commitment sa abroad.

Ito ay dahil daw sa "delicate condition" ng aktres.

Ngunit tiniyak naman ng Kapuso network na suportado nila ang desisyong ito ni Marian, lalo na para sa kapakanan ng magiging anak nila ni Dingdong.

Narito ang maikling official statement ng Kapuso Network:

"Kapuso Primetime Queen Marian Rivera has withdrawn from her upcoming program The Rich Man’s Daughter and her GMA Pinoy TV guestings abroad due to her delicate condition.

"GMA Network fully supports Marian’s decision and strongly believes that Marian and her baby’s safety is first and foremost.

"We would like to assure her supporters that Marian will still be seen in various shows in the Kapuso Network.

"We pray for a healthy and happy pregnancy for our dear Marian."

THE REPLACEMENT. Wala pang opisyal na desisyon o pahayag kung sino ang ipapalit kay Marian para sa lead role ng The Rich Man's Daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit may mga nagsasabing si Lovi Poe raw ang napipisil na pumalit kay Marian.

May mga nag-suggest din daw na si Heart Evangelista na lang ang ipalit o 'di kaya'y si Carla Abellana.

Ngunit sa pagkakaalam ay may gagawing teleserye sina Lovi at Heart na magkasama sila; habang si Carla naman ay nasa cast na ng Pari 'Koy na pinagbibidahan ng mister ni Marian na si Dingdong.

Kayo, sino ang gusto niyong pumalit kay Marian sa The Rich Man's Daughter?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN