Enchong Dee assures he and girlfriend Samantha Lewis are still together: "Hindi kami nakikiuso."

Enchong Dee on taking a break from acting: “Noong time na ’yon, nakakatawa, kasi humingi talaga ako ng bakasyon. Parang six months break lang kasi parang sunud-sunod ang work. Hindi ako vocal sa management, pero parang sumobra lang.”


“Bakit kailangang 'kayo pa rin'?”

Ito ang pabirong sagot ni Enchong Dee nang tanungin ng entertainment press kung sila pa rin ba ng non-showbiz girlfriend niyang si Samantha Lewis.

Ayon sa Kapamilya actor, masaya pa rin ang relasyon nila ng kanyang girlfriend, na nasa ika-13th month na raw ngayon.

“Masaya kami, hindi kami nakikiuso,” dagdag na biro ni Enchong sa panayam sa kanya matapos ang presscon proper ng gagawin niyang Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito, ngayong Biyernes ng hapon, April 17.

Ang tinutukoy ni Enchong ay ang pag-amin ng kasamahan niya sa ABS-CBN na si Gerald Anderson na break na sila ni Maja Salvador.

Ayon pa kay Enchong, bagamat masaya, hindi ibig sabihin nito ay handa na sila ni Samantha na lumagay sa tahimik.

“Matagal pa. Gusto ko relax lang,” sabi ng 27-year-old actor-singer.

Kung sakali, sabi ni Enchong, gusto niyang magpakasal sa edad na 33.

NAGUTOM SA TRABAHO.” Samantala, mahigit isang taon na rin nang huling mapanood si Enchong sa isang teleserye.

Ang huli niyang teleserye ay ang Muling Buksan ang Puso (2013). Matapos nito ay sa mga drama anthology na Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya nakikitang umaarte si Enchong.

Ayon sa tsinitong aktor, personal na kagustuhan niyang magbakasyon muna sa pag-arte.

“Noong time na 'yon, nakakatawa, kasi humingi talaga ako ng bakasyon.

“Parang six months break lang kasi parang sunud-sunod ang work.

“Hindi ako vocal sa management, pero parang sumobra lang.”

Pero pag-amin din niya, “Ang dami kong lugar na napuntahan [noong bakasyon], pero parang mas na-excite akong magtrabaho.

"Parang nagutom ako nang sobra.”

Magbabalik si Enchong sa pamamagitan ng weekly teleserye na Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito.

Makakasama niya rito sina Richard Yap, David Chua, Atoy Co, at Sophia Andres.

Papalitan nito ang Yamishita Treasure na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN