Ritchie D’ Horsie dies at 58

Ayon sa ulat, kumplikasyon sa diabetes, kidney failure, at brainstroke ang dahilan ng pagkasawi ng komendyanteng si Ritchie D’ Horsie.


Pumanaw na ang komedyanteng si Ritchie D' Horsie, o Ricardo Reyes sa totoong buhay, nitong Biyernes ng gabi, April 17, dakong 9:30 P.M.

Si Ritchie ay 58 years old.

Sa Facebook account ng scriptwriter na si Bibeth Orteza ngayong umaga ng Sabado, April 18, nag-post ito ng, “Rest in Peace, Ricardo Reyes, a.k.a Ritchie D’ Horsie. Godspeed.”

Dating co-stars sina Bibeth at Ritchie sa sitcom na Iskul Bukol na pinagbidahan noon nina Tito, Vic, and Joey.

Naging bahagi rin siya ng Eat Bulaga at Discorama.

Ayon pa kay Bibeth, naging madalas si Ritchie sa ospital bago ito bawian ng buhay.

Bahagi ng status ni Bibeth: "He'd been in and out of the hospital; around the same time a year ago, I saw him in a wheelchair, waiting for Vic S at the foot of the Eat Bulaga hosts' entrance—but still cheerful, I must say, or making an effort to pass off as cheerful."

Sinabi naman sa ulat ng ABS-CBN News Online na ang pagkamatay ng komedyante ay sanhhi ng “complication of diabetes, kidney failure, and brainstroke.”

Habang isinusulat ang balitang ito, nakaburol ang mga labi ni Ritchie sa Loyola Marikina pero wala pang detalye kung kelan ang libing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN