Some celebrities use liquid ecstasy, says NBI report

Ibinunyag ng mga nahuling nagbebenta ng liquid ecstasy na may mga kilalang personalidad, kabilang ang mga artista, na gumagamit daw ng ipinagbabawal na liquid ecstasy.


Mainit ngayon sa mata ng National Bureau of Investigation o NBI ang mga kilalang personalidad, na kinabibilangan ng mga artista, dahil sa paggamit diumano ng liquid ecstasy, ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA News nitong April 17, Biyernes.

Ang impormasyong may mga artistang gumagamit ng nasabing illegal drug ay galing sa mga taong nahuling nagbebenta ng liquid ecstasy na kilala rin sa tawag na Gamma Hydroxybutyric Acid (GHB).

Sinabi rin sa exclusive report na ikinakasa na ngayon ng NBI ang pagmamatyag o surveillance operations sa mga taong gumagamit ng GHB, kabilang na ang mga kilalang tao na hindi muna pinangalanan ng NBI.

Mula mismo sa mga naarestong suspek galing ang impormasyong may mga artista at iba pang kilalang personalidad ang mga parokyano ng liquid ecstasy, na ginagamit din bilang date-rape drug.

Nahuli ng NBI ang mga suspek sa sunud-sunod na isinagawa nilang operasyon kamakailan.

"Marami na po tayong natatanggap na tawag na itong mga ganito ng klase ng tao ay gumagamit ng GHB.

"We will consider these information subject to further verification by our agents on the ground," ayon sa panayam kay Atty. Joel Tovera, NBI chief on anti-illegal drugs unit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN