Inah Estrada on co-star Akihiro Blanco: “It’s a breeze working with him.”

Inah Estrada on working with co-star Akihiro Blanco in TV5’s Wattpad Series: The Nerdy Girl Turns Into a Hottie Chick: “Actually, nakakatulong talaga yung environment. Kasi, if the person that you worked with is not nice, for me, it’s kind of hard. With Aki talaga, he’s such a breeze.”


Isang nerdy character ang ginagampanan ni Inah Estrada sa bagong episode ng Wattpad Presents ng TV5 na magsisimulang mapanood ngayong Lunes, April 20, 9 P.M.—ang The Nerdy Girl Turns Into a Hottie Chick.

Ikalawang Wattpad Presents na raw ito ni Inah at ang makakapareha naman nga niya ngayon ay ang Artista Academy alumnus na si Akihiro Blanco.

Kapamilya talaga si Inah, pero maganda naman daw ang mga karanasan niya sa set ng Wattpad. Mabilis din silang naging palagay sa isa’t isa ni Akihiro.

“With Aki, very easy,” nakangiting pahayag ni Inah.

“Actually, nakakatulong talaga yung environment.

“Kasi, if the person that you worked with is not nice, for me, it’s kind of hard. With Aki talaga, he’s such a breeze. It’s a breeze working with him.”

Dugtong pa niya, “Actually, ang important lang talaga sa akin is I do really well. Yun nga, I could be as good as my mom and my dad.”

Aminado naman si Inah na pagpasok pa lang niya sa showbiz, may pressure na agad sa kanya bilang anak nina John Estrada at Janice de Belen.

“Ang laking pressure! Individually, my God, wala akong masabi.

“Nandoon na yung pressure na, 'Inah, you have to nail it kasi, both of your parents are really good actors.'”

Ang payo naman daw sa kanya ng mga magulang ay palaging maging totoo lang sa sarili at huwag lalaki ang ulo at wala siyang tatapakang tao.

HAPPY WORKING WITH TV5. Patuloy pa niya, “I’m really glad naman that they gave me the chance to work here.”

Mag-iisang taon na siya sa Star Magic, na marami naman daw plano sa kanya.

Ayon dito, “They have a lot, actually. So I’m just very happy.

“Maraming plans but for now, I cannot divulge. I’m really glad naman that they gave me the chance to work here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very, very grateful naman with them.

"Of course, I want more but there’s always a time and place for that. I’m very, very patient naman.”

Hindi rin daw siya mapili sa roles.

“Ako naman kasi, I play the bida, kontrabida.

“Kasi as much as possible, I want to be flexible in everything. I don’t want to stick to just one thing.

“Siyempre, I want to explore every role as much as possible.”

SHORT STINT AS MAKE-UP ARTIST. Bago raw niya pinasok ang mundo ng showbiz, ang pagmi-make-up daw ang talagang nakahiligan niya.

“Before this, mahilig talaga akong mag-make-up.

“Ever since, as a kid. Kasi dati, hindi naman uso ang holding area, yung ganyan.

“Kapag may taping ang mom ko, doon siya nagpapa-make-up sa house, pinapanood ko lang, nanonood din ako ng video.

“In-accept ko yung opportunity kasi my Dad kept mentioning to me na ganito, may offer. Sayang din naman kung hindi pa ako magye-yes. I’m not getting any younger kaya sabi ko, 'Sige, let’s try it.'

“'Tapos when I tried it, nagustuhan ko naman siya.”

Nakapag-aral na rin daw siya ng pagme-make-up ng isang taon at nag-make-up na rin daw siya sa salon.

Tingin daw niya, lagpas na siya sa level na teens tulad nina Kathryn Bernardo at Julia Barretto.

Natatawang sabi pa niya, “I think lagpas na ko sa ganoon. Ako talaga, as long as the script, the role is challenging talaga, kukunin ko talaga. I want to explore.”

ACCEPTING PARENTS' SEPARATION. Bilang panganay na anak nina John at Janice, dumaan din daw silang magkakapatid sa puntong hindi nila naunawaan ang mga pangyayari noong naghiwalay ang kanilang mga magulang.

Nasa edad 14 na raw siguro siya nang ma-realize niya na talagang hiwalay na sila.

Pag-amin niya, “Mga 10 ako nang maghiwalay sila, but I think, around 14 and 15, okay na sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May panahon na hindi talaga okay ang relasyon ng mga magulang niya. Kumusta sila noon?

“When they separated, we always see our dad, once a week, mga ganun. Pero silang dalawa before, hindi sila nag-uusap masyado. Pero now they do which is good.

“And I’m thankful because you know, there’s a right time and place talaga for everything,” lahad pa niya.

RELATIONSHIP WITH STEPMOM. Kinumusta rin namin kay Inah ang relasyon niya sa kanyang stepmom na si Priscilla Meirelles.

Ayon kay Inah, “Oh, we’re really good, we’re really good. My dad is so happy talaga and I can feel it.

"I’m just really glad na he found someone who can tame him, who can put him in his place.

“I’m thankful talaga and she’s a really, really nice girl.”

Ang mommy niyang si Janice at Priscilla, kumusta sila?

“I don’t think it’s necessary kasi, yeah… to be honest, whether they’re okay or not, it doesn’t really matter.”

Sa isang banda, sa halos yata ng mga interviews kay Inah, halos kadalasan, ang tungkol sa mga magulang ang naitatanong sa kanya.

Okay lang ba na palaging maisasama ang pangalan ng mga magulang niya sa interviews?

“Definitely,” nakangiting sagot niya.

“May mindset na 'ko na okay, they’re gonna talk about your dad, they’re gonna talk about your mom. Totoo talaga, hindi talaga maiiwasan kasi, they’re both well-known actors.

“Siyempre, naisip ko na rin yun at nasanay na rin ako.”

INHERITING PARENTS' BEST TRAITS. Bilang panganay na anak nina John at Janice, ano naman ang mga katangian ng mga magulang niya na sa palagay niya ay namana niya?

“My mom has been through so much.

“I think, yung nakuha ko sa kanya is yung pagiging strong and that’s what I love about my mom talaga, she’s a very, very strong-willed person and she’s very passionate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When you see her work, makikita mo yung passion niya talaga and in everything that she does, may passion talaga,” pagmamalaki niya.

Kay John, anong katangian nito ang nakuha niya?

“My dad, kalog talaga siya. He’s very cool and that’s what I really like about him,” patuloy niya.

Madalas sabihing hindi naaabot ng mga anak ng mga artistang sumikat o nagkapangalan sa industriya ang naabot ng mga magulang nila.

Nararamdaman ba niya yung ganung pressure?

“Kasi ako, I don’t... well, having both my parents, my mom, she’s a very good actress.

“For me, it doesn’t intimidate me. Inspiration ko talaga if ever I want to be a really good actress is my mom.

“I don’t have to compare myself to her, I look up to her.”

Sino naman ang mas stage parent sa mommy at daddy niya?

“My dad,” mabilis niyang sagot.

“Kapag nakikita ka niya, sasabihin niya, 'How’s work? O, you have to be like this, you have to be like that. Hindi ka puwedeng ganyan.'

“My mom naman, she’s not a stage mom, but she gives me advice, yung mga ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN