Bret Jackson on Andi Eigenmann: "Yes, we had a relationship."

Bret Jackson finally admits relationship with Andi Eigenmann: “I guess we did have something. Yes, we had a relationship. But both of us, it’s mutual, both of us decided that it’s not the best time.”


Matapos maiugnay kay Andi Eigenmann, pinagbintangan ang baguhang aktor na si Bret Jackson na ginagamit lang nito ang aktres para makilala't magkaroon ng pangalan sa showbiz.

Mas lumaki pa ang isyu nang tahasang sinabi ni Jaclyn Jose, ina ni Andi, na ayaw niya ang dating PBB housemate para sa kanyang anak.

Kaya nang makausap si Bret ng PEP.ph (Phlippine Entertainment Portal) pagkatapos ng presscon proper ng pelikulang Your Place or Mine? ng Viva Films na ginanagp sa Music Hall kahapon, April 16, hiningi namin ang reaksiyon niya tungkol sa nasabing isyu.

Si Bret ang bida sa nasabing pelikula kasama sina Andi at Andre Paras.

Bungad niya, “I don't have any reaction naman knowing that it's pretty easy for people to say that.

“I mean, it's more of love than hate out there.

“Andi knows, and I know the truth, and I know most of her family likes me naman.

“There've been no issues for a long time.

“Kelan ba huling narinig ang bad issue about Andi and I? Matagal na.”

Hindi maiwasan ang ganitong intriga dahil mas malaking pangalan si Andi sa showbiz kaysa sa kanya.

Aniya, “I know, but what I mean is, sa showbiz, dapat may newcomers.

“And just because I was paired with a newcomer doesn't mean anything.

“Andi naman had a choice.”


ADMITS RELATIONSHIP WITH ANDI. Sa puntong ito, inalam namin sa kanya nang diretsahan kung nagkaroon ba talaga sila ng relasyon ng kanyang co-star sa pelikulang Your Place or Mine?

Panimula niya, “Andi and I, we started as friends.

“We've been friends about 10 months ago.

“And it developed into something.

“But at this point in her life, maybe it's not the right time for our relationship.

“And there's nothing wrong with that.”

Dugtong pa ng 24-year-old Viva actor, “There's no bitter feelings between Andi and I, at all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are really close, we're friends, we care.

“I think people can see that, the chemistry we have is a lot different.”

Gaano ba katagal inabot ang kanilang relasyon?

Natatawang tugon ni Bret, “I think Direk Joel [Lamangan] kinda spilled it out kanina.

“I don't know if I'm in a place to release ito.

“I guess we did have something."

Saka niya tahasang sinabi, "Yes, we had a relationship.

“But both of us, it's mutual, both of us decided that it's not the best time.”

Sa presscon proper, naikuwento ni Direk Joel na ngayon lang daw niya nalaman na nagkarelasyon ang dalawa.

MUTUAL BREAKUP. Ano ba ang naging dahilan para magdesisyon silang tapusin ang anumang namagitan sa kanila?

Sagot ng dating PBB housemate, “On her side, there's a lot of work coming up.

“She has a very big future ahead of her.

“I want her to focus on it, I want it to be a hundred percent focus.

“I don't want her to think about me or think about our relationship.

“Kasi she had six years to think about it, and showbiz.

“Why not give her the chance to focus talaga, and she has Ellie, so, why not focus on that?”

Si Ellie ay ang anak ni Andi sa isa pang aktor na si Albie Casiño.

REBOUND” GUY? Ang isa pang isyung nilinaw niya ay ang tungkol sa sinasabi ng iba na naging panakip-butas lang daw siya ng anak ni Jaclyn Jose.

Dahil nga kabi-break pa lang nito kay Jake Ejercito nang maugnay silang dalawa.

Halatang nagbago ang timpla ng mukha ng aktor, pero sinagot din naman niya ito.

Aniya, “I mean, of course, everyone thinks that way or sees it that way.

“Okay, like when people say, 'Andi, she's just using you for a rebound.'

“Of course, there are assumptions from people, pero at the end of the day, it's ten months later, and we're still that close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So of course not! We're friends talaga, we are close.”

At masaya nga raw siya na nadugtungan ang closeness nila nang magsimula na silang mag-shoot para sa pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN