Vice Ganda clarifies Coco Martin’s revelations about identity of ’mystery guy’: “Mali, hindi!”

Contrary to Coco Martin’s revelations about the identity of Vice Ganda’s current "inspiration," the Unkabogable Star clarifies, “Halos tama yung descriptions, pero maling tao ang halos na-pinpoint ng mga tao.”


Pagkatapos ng pambubuking ni Coco Martin tungkol sa lovelife ni Vice Ganda sa birthday episode niya sa Gandang Gabi, Vice! sa ABS-CBN, tumawa lamang ang komedyante.

Halos ganito rin ang reaksiyon ni Vice nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand opening ng Nutopia Barber and Spa, na matatagpuan sa 620 Valero Plaza Condominium sa Valero St., Salcedo Village, Makati City, kahapon, April 17.

Si Vice ang special guest at siyang nag-cut ng ribbon ng salon na pag-aari ng pinakapaborito niyang first cousin na si Rusell Viceral-Levashov.

Pahayag ni Vice, “Okey naman kami [ni Coco].

“Naku, lagi namang ganun yun!

“Kasi best friend ko yun, at hindi ako napipikon sa mga ano niyan, e.

“At saka, ayaw kong makipag-away, 'no? Kelan pa ba niyo ako narinig na nakipag-away?”


WRONG GUY. Sa puntong ito ay inusisa na namin siya kung tama ang deskripsiyon ng kanyang 'BFF' sa sinasabing bagong inspirasyon niya?

Base sa deskripsyon ni Coco, ang lumalabas na pangalan ng bagong “mystery guy” ni Vice ay ang dating 2014 Mr. Chinatown na si Kurt Joshua Ong.

Read: Coco Martin gives clues on Vice Ganda’s current lovelife: "Chinese-Chinese... mula sa isang pageant."

Paglilinaw ng Phenomenal Box-Office Star, “Mali, hindi!

“Halos tama yung descriptions, pero maling tao ang halos na-pinpoint ng mga tao.

“Pero... ay, 'wag nating pag-usapan ang lovelife ko dahil nakaka-teen star!” natatawang pagbawi niya.


MOVIE WITH COCO. Pagkatapos nito ay napag-usapan na namin ang tungkol sa pelikulang gagawin nila ng 'BFF' niya at King of Primetime Teleserye ng ABS-CBN na si Coco Martin.

Ani Vice, “Mauuna nga itong sa amin ni Coco kaysa dun sa movie namin ni Daniel Padilla.

“Nagpadala na nga sila ng draft ng script, pero hindi ko pa nababasa.

“Kaya kinukulit niya ako. Sabi niya, 'Bes, nabasa mo na ba?'

“Sabi ko, 'Oo,' pero hindi ko pa nababasa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din niyang isa siya sa magiging producers ng pelikulang yun.

“Oo, may bakas na maliit na maliit.

“Excited ako kasi never ko pa siyang nakasama sa pelikula.

“Sa teleserye, nagkasama na kami, pero noon pa yun.

“Mga bit roles pa, pero ngayon pa lang kami magkasama na pareho kaming bida.

“Excited ako, kasi hindi ko alam kung ano ang mangyayari, pero sisiguraduhin na magiging masaya.

“Sabi ko sa kanya, 'Magsasama tayo sa pelikula, dapat masaya tayo.'”

Biniro naman siya kung ang kuwento ba ng pelikula nila ay tungkol sa bromance.

Mabilis niyang sagot, “Hindi, pero handa na raw siyang magpababoy sa akin.

“Sabi niya, 'Oo, handa na ako, kahit ano ay gagawin ko.'”

Dugtong naming biro sa kanya: Anong “pambababoy” ang plano niyang gawin sa kanyang 'Bes'?

Sabi ni Vice, “Hindi ko pa alam, babasahin ko pa lang ang script.

“Paghahandaan ko pa nga lang siya.”

Kaya nga raw mahal na mahal niya ang kanyang kaibigan dahil sa magandang ugali nito.

Saad niya, “Sincere, sobrang sincere.

“Hindi kami nag-e-echosan, kaya lagi rin kaming nag-aaway niyan.

“Kasi masyado kaming sincere sa mga sinasabi namin, deads [dedma] kami kung nasasaktan namin ang isa't isa.

“Pero never kaming naglolokohan.

“'Pag may gusto siyang sabihin, sinasabi niya, ako rin ganun.

“Kaya sincere talaga yung friendship, yun ang nagde-define sa aming dalawa.”


IGNORES RUMORS LINKING HIM TO COCO. Kaya deadma rin daw siya sa mga nang-iintrigang naging sila noong hindi pa sila parehong sikat, at nagsisimula pa lang sa showbiz.

Sabi ng Kapamilya star, “Oo, ang tagal nang...

“Hindi pa kami artista, magkaibigan na kasi kaming dalawa.

“Ang dami kaming naibigay sa isa't isa dati.

“Sabi ko nga, nung wala pa kaming pera, lagi kaming nagreregaluhan.

“Ngayon, hindi kami nagreragaluhan, alam mo, puro bulaklak lang.

“Sabi ko nga, 'Itong si Coco, ang dami-daming pera, puro bulaklak ang ipinapadala, nakakainis!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung kelan pa nagkapera.”

Sino ba ang mas mayaman sa kanilang dalawa?

Mabilis niyang tugon, “Siya!

“Mas marami siyang endorsements kaysa sa akin.

“Mas siya, para siya ang habulin ng BIR [Bureau of Internal Revenue]!” pagbibiro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN