Aicelle Santos jokes about her non-existent lovelife: “Hindi ko alam kung manhid ako o wala lang talaga.”

Aicelle Santos on being asked if guys are showing a romantic interest in her: “Hindi ko kasi alam kung nagpapa-cute ba sila o nagpapaka-sweet dahil gusto nila ako o sadyang friendly lang sila. Ayoko kasi na mag-assume kasi baka hindi naman ganun yung gusto nilang iparating.”


Bukod sa pag-awit ay gusto rin daw makilala ang Sunday All Stars mainstay na si Aicelle Santos sa larangan ng pag-arte.

Kuwento nga nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, “I'm praying for more acting jobs, especially nae-enjoy ko na rin naman yung ginagawa kong pag-arte sa mga teleserye.

“Pero I know naman na ang kaakibat nito ay workshops in acting.

“Hindi naman puwedeng gusto mo pero hindi ka gumagawa ng paraan para maging mahusay kang umarte.

“For me, kailangan talaga ng acting workshops.

“Kailangan ko pa ring um-attend ng workshops for that.”



WISHES FOR DIVERSE ROLES. Gaya ng maraming artistang ayaw ma-typecast sa iisang role lamang, gusto rin daw ni Aicelle na makaganap sa iba't ibang karakter.

Saad niya, “Marami akong roles na gustong gawin at subukan. Sana magawa ko sila.

“Like, gusto kong maging sobrang kontrabida, kasi kapag kontrabida ka nakaka-challenge.

“Gusto ko rin yung role na imbes na full dialogue, kinakanta mo yung mga lines.

“Marami pa. Hopefully, maibigay sa akin yung mga proyekto at roles na gusto ko.”



CO-MANAGED BY STAGES PRODUCTIONS. Masaya ring ibinalita ni Aicelle na bukod sa pagiging miyembro ng GMA Artist Center, nasa poder din siya ng Stages Productions sa pamumuno ni Carlo Orosa.

“Yes, I'm part of Stages now and of course GMA Artist Center, bale co-manage sila sa akin.

“I'm happy kasi dalawa na yung magpaplano ng career ko, nand'yan ang Stages People at nand'yan din ang GMA Artist Center.

“Nasabi na sa akin ng Stages ang mga plans nila for me and ngayon pa lang nae-excite na ako.

“I'm happy now kasi maraming mga bagay na dumadating sa akin na hindi ko ini-expect.

“Like yung naging solo concert ko, yung single ko at marami pang iba.

“Right now kasi everything is happening.”



LOVELIFE. Walang takot namang sinagot ni Aicelle ang mga tanong tungkol sa kanyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Next question. please? Hahaha!

“Wala po, career muna. Alam ko naman na darating din yan in time.

“Siguro 'pag handa na ako at kapag natagpuan ko na siya at alam kong handa na rin siya.”

May nagpaparamdam ba sa kanya?

Pag-amin niya, “Hindi ko alam kung manhid ako o wala lang talaga.

“Hindi ko kasi alam kung nagpapa-cute ba sila o nagpapaka-sweet dahil gusto nila ako o sadyang friendly lang sila.

“Ayoko kasi na mag-assume kasi baka hindi naman ganun yung gusto nilang iparating.

“Let's see, siguro naman if ever merong maglalakas loob at sure ako na gusto niya ako hindi ko naman isi-sikreto.”



LEAVING A LEGACY. Naging makabuluhan naman ang sagot ng dalaga nang tanungin namin kung paano niya gustong tumatak sa mga isipan ng mga tao bilang isang artist/performer.

“Gusto ko lang pag tumanda na ako, may maiwan akong mensahe sa mga tao.

“As a Filipino artist, as an OPM artist.

“Siguro a hit song—yung kanta mo na kakantahin nila kahit matanda ka na o mawala ka na, patuloy na kakantahin ng iba't ibang henerasyon.

“At masasabi nila na, 'Ah, that is an Aicelle Santos song.'”



BROADWAY DREAMS. Dahil sa kanyang hilig sa pag-arte sa stage musicals, inamin din ni Aicelle na pangarap niyang makatuntong ng Broadway at sundan ang yapak ng ilang world-class Pinoy theater artists tulad nina Lea Salonga at Rachelle Ann Go.

“Siguro kung magkakaroon ng opportunity at darating siya,why not?

“Pero right now happy naman ako kahit narito ako sa Pilipinas dahil marami akong ginagawa.

“Pero siyempre, dream ko rin naman na makapag-perform at maka-penetrate sa Broadway,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN