Nora Aunor cries at wake of showbiz writer and PEP contributor William Reyes

Nora Aunor attended the wake of William Reyes held at Loyola Memorial Chapels in Guadalupe, Makati City. She bought the flowers for the casket of her good friend, William.



Isa si Nora Aunor sa mga unang bumisita sa lamay ng yumaong Noranian at PEP contributor na si William Reyes.

Ayon sa mga kamag-anak ni William, natagpuan siya na wala nang buhay noong April 17, 2015 sa loob ng kanyang kuwarto.

Buong araw nila hinintay na lumabas ng kuwarto ang 53-year-old writer. Noong Biyernes ng gabi, sinira na nila ang pintuan ng kanyang kwarto dahil hindi sumasagot si William.

Ayon sa kanyang kapatid na si Thelma Laurilla na nasa New York, kamakailan ay nag-kuwento si William na nagpa-fluctuate ang blood pressure niya.

Nakatakdang ilabas ang autopsy report sa Lunes, April 20, upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ni William.

Bumisita ang Superstar sa unang gabi ng lamay na ginanap sa Loyola Memorial Chapels sa Guadalupe, Makati.

Ayon sa mga saksi, dumating si Nora bandang 5 p.m. at halos kararating lang ng mga labi ni William sa Cherubim chapel.

Nais raw kasi ni Nora na maunang bumisita sa lamay bago pa dumating ang maraming tao. Ayon sa mga kamag-anak, umiyak si Nora habang nasa harapan ng ataul ni William na isang masugid niyang tagahanga sa loob ng 25 na taon.

Ayon pa rin sa mga kamag-anak, nag-kuwento si Nora na kinabahan siya kamakailan dahil hindi sumagot si William sa kanyang text message, at kakaiba ito para sa kanya dahil laging maagap ang response ng kaibigan.

Nag-text pa si Nora ng mensahe na: "Galit ka ba sa akin?"

Si Nora rin ang bumili ng mga bulaklak na nakapatong sa ataul ni William at pati na rin ang mga bulaklak sa paanan nito.

Ayon sa pinsan ni William na si Chari Rubia, natatandaan pa niya na may pagkakataon na mas pinili ni William na dumalo sa event ni Nora kaysa sa kanilang family reunion.

Ang description nila kay William ay "thoughtful" at "tahimik." Anila, mahilig mag-uwi ito ng pasalubong lalo na para sa kanyang mga pamangkin.

Si William ay cum laude graduate ng kursong Philosophy mula sa University of Santo Tomas.

Isa siya sa mga long-time contributors ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nagsulat rin siya para sa mga tabloids na X Files at Tempo. Noong 1990s, kabilang rin siya sa mga writers ng mga magazine tulad ng Movie Flash, Intrigue, Expose, Star News, Hot Copy at Controversial.

Nagdiwang siya ng kanyang 53rd kaarawan noong April 9.

Noong April 10, dumalo pa siya sa general meeting ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kunsaan nagsilbi siya bilang PRO.

Ayon sa mga PMPC members, nanlibre pa ng ice cream si William sa grupo bilang birthday treat.

Ang libing ay gagawin itong Huwebes, April 23, sa Loyola Memorial Park sa Sucat, ParaƱaque.

Nakikiramay ang PEP sa mga naulila ni William.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN