Carla Abellana doesn’t mind being a late addition to Pari ’Koy cast: “Okey lang kasi, ang ganda nung timing.”

Carla Abellana doesn’t mind joining the cast of Pari ’Koy in the middle of the TV series. “Ang ganda ng role...Siya yung conflict sa story. Hindi ba ang nagiging problem nila, yung corruption ni Gabby, yun lang,” she says.


Si Carla Abellana ang bagong karakter na ipinakilala noong mga nakaraang episode ng primetime series na Pari ‘Koy na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Bago maging pari ang karakter ni Father Kokoy, nag-konek na sila ni Michelle, na ginagampanan ni Carla. Pero sa kuwento, si Michelle ay girlfriend ni Kapitan Jude na ginagampanan ni Gabby Eigenmann.

Ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla, “Teacher kasi si Michelle, yung character ko. Bale tutor siya ni Joshua [played by Will Ashley de Leon], yung anak ni Kapitan.”

Ano naman ang challenge ng karakter niya ngayon?

“Tingnan natin, kasi sa part ni Gabby, ni Kapitan, baka makita natin ang good side niya.

“Kasi I think, hindi naman mai-in love si Michelle sa kanya kung walang nakitang good side niya.

“So siguro yung pagpasok ni Michelle, yun yung paraan para makita rin ng tao yun.”

Halos araw-araw na ang trabaho ni Carla dahil meron pa siyang sitcom na Ismol Family, bukod sa Karelasyon at Sunday All Stars.

“Magiging busy na naman, back to the grind,” nakangiti niyang sabi.

Meron din daw siyang pelikulang gagawin sa Regal Films, ang No Boyfriend Since Birth sa direksiyon ni Joey Reyes.

NO PROBLEM WORKING WITH GABBY. Sa Pari ‘Koy, si Gabby ang kapareha at boyfriend niya sa serye. Alam ng lahat na si Gabby ay isa sa pinaka-malapit na pinsan ng dating boyfriend ni Carla na si Geoff Eigenmann. Wala bang problema sa kanilang dalawa?

Ayon kay Carla, “Walang problema. Ang bait-bait ni Gabby, e.

“Last year lang, I’ve worked with Timmy [Sid Lucero], lahat sila naka-work ko na.

“Last year si Timmy ang love interest ko, ngayon si Gabby naman. Iniisa-isa. Lahat sila umiikot lang.

“Naka-work ko na rin si Gabby before, yung Jillian: Namamasko Po, 'tagal na. Kuya ko siya run. Drama rin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman silang ilangan ni Gabby?

“Wala,” saad niya.

Kung si Direk Gina Alajar, ina ni Geoff ang magdi-direk sa kanya?

“Okey lang,” nakangiting sagot naman niya.

Nasabi rin kay Carla na tila may mga fans daw na parang hindi pabor na makasama siya sa Pari ‘Koy.

Alam ba niya ito?

“Hindi naman. Well, we cannot please everybody. May mga ayaw, may mga excited. Tingnan natin.”

Sa isang banda, hindi naging hadlang sa kanya na halos kalagitnaan na rin ng Pari ‘Koy nang ipinasok siya.

“Okey lang kasi, ang ganda nung timing ng pasok at saka, ang ganda ng role.

“Siya yung conflict sa story. Hindi ba ang nagiging problem nila, yung corruption ni Gabby, yun lang.”

Ang karakter naman daw niya ay mapapanood hanggang sa pagtatapos na ng Pari ‘Koy.

KARELASYON. Masaya naman si Carla sa afternoon show niya na Karelasyon.

Natawa naman ito sa mga comments na nagsasabing puwede namang wala na lang host ang naturang programa.

“Actually, oo nga, hindi kailangan ng host,” natawang biro niya rin.

“Well, hindi naman. Ano siya, lumalabas pa ngang siya ang kontrabida.

“Kasi yung pag-deliver niya ng paghu-host niya, 'O, e, ano ngayon? Anong nangyari?' Yun yung manner ng paghu-host niya.

“Bawal akong ngumiti, kasi nagme-make-face.

“So nahihirapan ako noong una, napaka-dark, mysterious, bawal ngumiti. E, sanay na sanay pa naman ako kapag naghu-host, nakangiti, mataas ang energy, pleasant; dito hindi.

“Parang devil's advocate ang dating.”

ON TOM RODRIGUEZ. Mabilis namang sumagot si Carla nang tanungin ito kung ilang taon na ba ang relasyon nila ni Tom Rodriguez.

Natatawang sagot niya, “Wala! Walang years-years, grabe.”

Bakit walang years, ayaw pa ba niyang mag-boyfriend talaga?

“Hindi naman, gusto ko lang maging sure. Ayaw mo nang mag-waste ng time.”

May iba pa bang nanliligaw?

“Wala naman,” nakangiti niyang sabi.

“Siguro natatakot sila, baka may Tom na ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEN'S MAGAZINES. Naitanong din kay Carla kung papayag siyang mag-pose sa mga men’s magazines.

Sabi niya, “Kailangan matinding preparation.”

Pero may mga nag-aalok na ba sa kanya?

“Meron na before, lalo na noong nagsisimula ako. Pero ngayon parang wala naman.”

Kung sakali at may mag-offer muli sa kanya?

“Depende, ewan ko kay Tito Arnold [Vegafria, her manager], pero hindi ko kaya. Hindi talaga.

“Lalo na kapag nakita ng lola ko at saka ng daddy ko, parang mas doon ako kinakabahan—kung ano ang magiging reaction," ani Carla.

Ang lola ni Carla ay ang screen legend na si Delia Razon at ang ama niya ay ang aktor na si Rey "PJ" Abellana.

“Pero siguro kapag talagang nakapag-prepare ako, kapag physically fit ka, doon ako magiging confident at saka, kapag sinabi ng lola ko at ng daddy ko na, 'Sige, okey lang.'”

Hindi pa rin naman daw nila napag-uusapan ang bagay na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN