Amalia Fuentes to Coney Reyes: "Who are you to forgive me?"

Muling nagpatutsada ang dating movie queen na si Amalia Fuentes laban sa aktres na si Coney Reyes at sa kanyang apo na si Alyanna Martinez. Ito ay kaugnay pa rin ng cremation ceremony ng anak na si Liezl Martinez kung saan nabastos diumano ang beteranang aktres.


May panibagong patutsada si Amalia Fuentes laban kay Coney Reyes.

Ito ay kasunod ng panayam diumano ni Coney kung saan natanong siya tungkol sa ngitngit sa kanya ng dating movie queen.

May kinalaman pa rin ito sa hindi diumano pag-acknoweledge ni Coney, bilang host, kay Amalia at sa dating asawa na si Romeo Vasquez sa cremation ceremony ng kanilang anak na si Liezl Martinez noong March 16.

Read: Amalia Fuentes resumes tirade against Albert Martinez; blasts Coney Reyes over Liezl's cremation ceremony

Sa isang artikulong lumabas sa Star Cinema website, base na rin sa artikulong lumabas sa isang entertainment website, nakalagay ang dalawang larawan ni Coney na may photo caption.

Una ay may nakasaad na: “Anong sagot ni Coney Reyes sa galit na mensahe sa kanya ni Amalia Fuentes matapos ang cremation ceremony ng anak niyang si Liezl Martinez?”

Sagot daw ni Coney: "In anything that's happening, I just choose to forgive.

"What I want is to achieve peace, joy, that inner contentment so I'm always like that na lang.

"It doesn't mean to say that I don't cry but I always lift it up to the Lord. He takes care of me."

Ngunit may nakalap na impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi naman daw ang isyu nila ni Amalia ang tinutukoy ni Coney sa pahayag niyang ito.


AMALIA BLASTS CONEY, ALYANNA. Kaugnay nito, may dalawang kaibigan si Amalia na nag-share ng sinabi diumano ni Coney sa kanyang Facebook account.

Dito na nagsimulang bumanat muli si Amalia laban kay Coney.

May pagkakataon ding nabanggit ng beteranang aktres ang pangalan ng kanyang panganay na apo na si Alyanna Martinez.

Komento ng kaibigan ni Amalia na si Winnie Manalo Almonte sa isang post tungkol sa sinabi diumano ni Coney: “Sino ba 'yan? Siya ba ang naging laman ng tsismis noong '70s na may sex video scandal involving co-emcees sa isang noontime show? Totoo ba 'yon? Siya rin ba 'yong kasal sa isang basketbolista na naanakan ng isang komedyante? Eh, 'yan naanakan siya ng komedyante, totoo ba??”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot dito ni Amalia: “Totoo Mareng Winnie ang lahat! Dapat diyan sa Connie na iyan ay sabay-sabay na mag-confess ng mga kasalanan, at [si] Alyanna na wala sa bahay nila kahit malubha na ang Ina at kung sinu-sino pa ang sinasamahan! Tapos siya pa ang nagsasabi ng kasinungalingan! Hoy, matakot kayo born against! May God have mercy on your souls!

“Poor Alyanna to be under her guidance! Where are you going now that your mom is dead. I'm no longer your grandma who doled out 150 [thousand] to help pay for your recent hospitalization that your mom paid.”

Sa isa pang shared article ni Amalia sa kanyang Facebook account, may mga komento rin ang kaibigan ng dating Sampaguita contract star.

May dalawa namang komento si Amalia rito.

Una ay ang tungkol sa pagkamatay ng anak na si Liezl.

Saad niya: “Liezl's death and short life is a promise of God in the Ten Commandments, and even in death, Alyanna guided by the b sige pa rin sa kanilang paniwala, walang respects sa Ina Ng Diyos!

"Do you think Christ appreciates the cult that preach no respect for mothers? No respect for parents, ang parusa, kamatayan, Alyanna, matakot ka!

"Pabayaan mo na ang b na iyan Nakita mo ang ka-cheapan mg mga nag-saliva ng eulogy, unlike you your mom is a class act! Shameless is what I can say, only AGA will enjoy long life. God have mercy on your souls!”

Ayon naman sa isang Edna Rebancos Delos Santos: “For me, a good sons or daughters of GOD do all the good things what d LORD wanted to do but what coney reyes has done i dont think she was one of daughters of christ contrary to what she had done to my idol.”

Sagot ni Amalia dito: “Baka lord of darkness ang [guide] mo! Sin of pride and vanity ang favorite ni satan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Who are you to forgive me, ako ba ang nangbastos sa iyo? You are an intruder in that place!

"Except for a misguided member of our family, you had no right to bring your brand of faith na binastos mo ang most important member in Liezl's life!

"Do you know the Ten Commandments? Sinabi ba dun to honor and respect the husband and children?

"Kaya 'yan ang ayaw ko sa Fulton ninyo na walang galang sa Ina Ng Diyos kaya Toulouse lahat Ng Ina rin! Get off your high horse!”

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig nina Coney at Alyanna kaugnay ng mga pahayag na ito ni Amalia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN