Andre Paras denies dad Benjie is playing favorites between him and Kobe

“Maybe he treats us equally naman. I don’t know where that issue came from. I’m really proud of Kobe no matter what happens. I’m sure my father’s really proud of me rin,” says Andre Paras answering about the issue that father Benjie Paras is playing favorites.


Naging bonding moment para sa magkapatid na Andre at Kobe Paras ang pagbabakasyon ng una sa Amerika kamakailan.

Sa ginanap na story conference ng gagawing pelikula ni Andre, ang Girlfriend for Hire, naikuwento ng 19-year-old na anak ni Benjie Paras ang muling pagkikita nila ni Kobe.

Sabi ni Andre, “It was fun kahit bitin po ang oras namin.

“I made sure na we stayed home, kasi that's the only time we're not doing anything.

"We're able to talk to each other and nakakapag-usap kami sa isa't isa.

“We did a lot of catching up.

“Although we always catch up on social media, we talk through phone or Viber, pero of course, iba pa rin kapag personal.”

cuddle buddy

A photo posted by andré paras ube (@andreparas95) onApr 13, 2015 at 7:16pm PDT

see you later

A photo posted by andré paras ube (@andreparas95) onApr 14, 2015 at 8:20pm PDT

Kasalukuyang nasa Amerika si Kobe kung saan unti-unti na siyang nakikilala bilang isang mahusay na basketball player, bagay na ipinagmamalaki ni Andre tungkol sa kapatid.

“I'm proud of him.

“I don't think I can do what he's doing by being away with his family because I'd really get homesick.

“But he manages to find inspiration in basketball kasi.

“I know that's what he really wants, that's his passion.

“I know that this will be his career in the future kaya he's really focused po.

“I'm proud of him for not giving up.”

for @_kobeparas ❤️

A video posted by andré paras ube (@andreparas95) onApr 11, 2015 at 10:38am PDT

Dahil sa nakukuhang tagumpay ni Kobe sa basketball, hindi maiwasang maikumpara sila dahil dating kilalang basketbolista ang ama nilang si Benjie.

May ilang nagsasabing mas paborito raw ni Benjie si Kobe dahil ito ang sumunod sa kanyang yapak.

Kibit-balikat lang naman si Andre tungkol dito.

Aniya, “Well, I don't think so. Maybe he treats us equally naman.

"I don't know where that issue came from.

“I'm really proud of Kobe no matter what happens.

“I'm sure my father's really proud of me rin.

“If people see it that way, then, so be it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What matters talaga is what we have as a family."

#TeamKilay

A photo posted by andré paras ube (@andreparas95) onApr 13, 2015 at 10:38pm PDT

Sa ngayon, sabi ni Andre, gusto niya munang mag-focus sa pag-aaral at sa kanyang showbiz career.

Bukod sa teleseryeng The Half Sisters, kabilang din si Andre sa mga pelikulang Your Place or Mine at Girlfriend for Hire.

Napapanood din siya bilang host at performer sa Sunday All Stars tuwing Linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN