Maricar Sebastian to Mich Liggayu: “Ibalik niya kung anong dapat sa amin, kasi karapatan ko ’yon.”

Maricar Sebastian to her bashers: “Bakit niyo ako bina-bash, hindi naman ho ako artista?”


Isinisisi ni Maricar Sebastian—ina ng yumaong si Jam Sebastian ng Jamich—ang pagsisimula ng pamba-bash sa kanya ng netizens nang lumabas ang isyung nag-uugnay kay Mich Liggayu, fiancée ni Jam, sa baguhang singer na si Neo Domingo.

Sabi ni Maricar sa live interview niya sa Aquino & Abunda Tonight nitong Lunes, April 20, “Kami ang namatayan, kung bakit kami ang binabatikos.

“Nag-start ‘yan dahil sa mga isyung lumabas about dun sa boy, yung sa guy na nali-link ngayon kay Mich.”

Pinaninindigan ni Maricar na may namamagitan kina Mich at Neo kahit itinanggi na ng dalawa ang paratang na ito.

Read: Newbie singer Neo Domingo denies rumored romance with Michelle Liggayu: “Huwag nating bigyan ng mas dinadala pa si Mich.”

Sabi ng ina ni Jam, "Matagal na akong nakakahalata, kaya lang siyempre wala akong mga evidence that time.

“Ngayon, may mga witnesses na, pati yung kaibigan ko, na nakakakita sa kanila.”


MESSAGE TO BASHERS. Apat na araw matapos pumanaw si Jam, nag-status si Maricar sa Facebook tungkol sa plano niyang magpa-interview sa isang magazine. Umani siya ng batikos dahil dito.

Inamin ito ni Maricar, pero paliwanag niya, “Kasi may pinapatamaan ako that time.”

Hindi naman niya binanggit kung sino ang kanyang pinapatamaan.

Nagbigay rin ng mensahe si Maricar sa bashers niya sa social media.

Saad niya, “Dun sa mga nagba-bash sa akin, huwag niyo na ako akong i-bash, kasi totoong tao ako.

“Ako mismo magsasabi sa inyo, nag-i-smoke ako, nagma-mahjong ako, nagka-casino ako...

"Kasi ‘yan ang mga bina-bash sa akin, e, na nag-i-smoke daw ako.

“So, para sa akin, hindi ho ako artista para i-bash niyo.

“Kami ho namatayan, ako yung nawalan, sobrang sakit ho sa akin, until now bina-bash ho ako.

“Bakit niyo ako bina-bash, hindi naman ho ako artista?

“Lumabas lang yung isyu about [the] guy, pati ako bina-bash, na ang daming nang question sa akin na talagang gumugulo ang buhay naming mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nadamay talaga kami.”


MONEY MATTERS. Gaya ng naging interview niya sa StarTalk nito lamang Sabado, April 19, inamin ni Maricar na may kinalaman sa pera ang hidwaan sa pagitan ng kanyang pamilya at ni Mich.

Read: Maricar Sebastian on Mich Liggayu: “Sino ngayon ang mukhang pera sa aming dalawa?”

Sa ngayon, kumikita ang mga itinayong account ng Jamich sa social media, gaya na lang ng kanilang YouTube channel.

Pahayag ni Maricar, “Actually, totoo 'yon.

"Kasi yung during the wake, yung cell phone kasi ni Jam, hiniram ni Mich, which is ni-log out niya ang mga Facebook account, Jamich page, pati yung YouTube, yung email.

"Kasi dun pumapasok yung income nila every month.

“Wala kaming access, parang sa kanya [Mich] lahat napupunta.”

Ang nanay raw ni Mich ang nakakausap ni Maricar.

Dagdag pa ng ina ni Jam, pinangangalagaan lang niya ang interes ng kanyang yumaong anak.

“This time, siguro karapatan ko, kasi nanay ako. Na hindi naman siya yung wife,” pagtukoy niya kay Mich.

Sinabi raw ng ina ni Mich kay Maricar, lahat ng kumikitang social media accounts ng Jamich ay ibinigay na ni Jam kay Mich bago ito pumanaw.

Pero kinontra ito ni Maricar.

Aniya, “Ang sabi kasi ibinigay na ni Jam kay Mich, which is, wala namang sinasabi sa akin yung anak ko.”

Nagbigay rin ng mensahe si Maricar kay Mich.

“Ang sa akin lang, ibalik niya kung anong dapat sa amin, kasi karapatan ko 'yon.

"Ako ang nanay, naghirap ang anak ko dun.

“At saka lahat ng expenses, kami ang nagbayad.”

Maraming malalaking artistang dumalaw kay Jam nang nakaratay ito sa ospital, subalit may mga akusasyong si Maricar lamang ang may gusto nito at hindi si Jam.

Pagtatanggol ni Maricar sa sarili, “Bilang ina, gusto kong mapasaya ang anak ko, kaya lahat ng gusto niya, siyempre gagawin mo.

“Alam kong dun siya masaya. Gusto niya ng mga bisita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jam ba ang may gusto na may artistang bumisita at hindi siya?

“Pareho kami. Kinakausap ko naman siya,” sagot ni Maricar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN