Asia’s Got Talent sensation Miss Tres kicks out member

Angel Mistress (left) disclosed to PEP that she is no longer part of Miss Tres, the transgender group that auditioned for Asia’s Got Talent. Despite getting four "yes" from the judges, the group failed to make the semifinals.


Wala na pala sa transgender singing trio na Miss Tres si Angel Mistress.

Ang Miss Tres ang isa sa Pinoy acts na nagpamangha sa Asia's Got Talent auditions.

Nakakuha sila ng apat na 'Yes' mula sa mga judge na sina David Foster, Anggun, Vanness Wu, at Melanie C.

Ngunit nabigo silang makapasok sa semifinals.

WATCH: The Miss Tres, Fitri Cerado, Echo Claridad, and D' Intensity Breakers wow 'Asia's Got Talent' judges

Si Angel—o Condrado—ay ang “Miss Uno” sa tatlong miyembro ng Miss Tres.

Ang iba pang miyembro ay si “Miss Dos” na si Mariko o si Joselito, at si “Miss Tres” na si Mia o si Romeo.

Bago ang Asia's Got Talent, sumali na rin ang grupo sa local franchise na Pilipinas Got Talent 4 noong 2013, kung saan umabot sila sa quarterfinals.

OUT OF MISS TRES. Nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angel, sa Discovery Suites noong nakaraang linggo, inilabas niya ang kanyang damdamin tungkol sa pagkakatanggal sa kanya sa Miss Tres.

Saad niya, “Ako po ay naging solo performer na.

“Simula nang nangyari ang konting tampuhan, itinuloy na nila. Tinanggal na nila ako sa grupo.”

Ano ba ang dahilan kung bakit siya tinanggal sa Miss Tres?

Paliwanag ng transgender performer, “Naghanap na sila ng kapalit ko.

“’Yan ang isyu na ginawa nila na hindi ko maintindihan, dahil hindi raw nakabalik dahil daw sa akin.”

Ang sinasabi niya ay ang hindi na sila ipinatawag pabalik sa Singapore para sa semifinals ng Asia's Got Talent.

Bakit ba hindi na sila “nakabalik”?

Pahayag ni Angel, “Dahil hindi raw ako nagpasa ng mga papeles para makabalik.

“Hindi totoo ‘yan! Ba't hindi ako magpapasa?

“Nagpasa ako, at natanggap mismo ng taga-Asia's Got Talent yung scanned passport na kailangan nila.”

Ano ang dahilan para kailangan nilang bumalik? Ito ba ay para sa semifinals?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Angel, “Oo, pero hindi siya guarantee na makakabalik.

“Pero pondo lang nila, just in case na mapili kami.

“Kasi, February pa lang ‘yan, nire-ready na nila kung sino ang pipiliin ng judges.

“E, kung talagang napili kami, dapat sana in-insist nila, hindi naman, e.”

Dugtong pa niya, “Sina Mariko at Mia, they still work together.

“Siguro, naging personal sa kanila, pero sa akin, it' not meant to happen.

“And they don't even see na, ‘Why should I feel bad about the other person if ever there's a little problem?’

“It's not really the end of the world, or the end of the career, if that didn’t pursue.

“Hindi ako nasisi ng kahit sinumang tao o kahit ano.”

NO CHANCE FOR RECONCILIATION. Ibig bang sabihin nito ay tuluyan nang nabuwag ang grupong Miss Tres?

Tugon ni Angel, “Miss Tres pa rin sila.

“Pero I still carry my name, Angel Mistress, because I...

“Naghanap na sila ng kapalit ko.”

Wala na bang chance na sila ay mabuong muling tatlo o mag-reconcile man lang as friends?

Sagot niya, “Wala na, kasi hindi na ako nagwu-work doon sa pinagtatrabahuan nila. So, wala nang...

“Limang taon din kaming halos magkakasama, simula 2009.

“Siguro, panahon na rin para magkaroon [ako] ng sariling karera.”

Ang isang bagay na maipagmamalaki niya na sa limang taong nagkasama sila, ngayon lang nagkaroon ng ganito katinding intriga sa kanilang tatlo.

Saad ni Angel, “Wala, wala... wala kaming inggitan.

“May kanya-kanya kasi kaming ginagawa for the group, kaya nagulat na lang ako ba't nila ako tinanggal.

“Wala akong alam, dahil dalawa silang nag-decide, wala akong laban.

“Hindi ko na sila gustong kausapin, kasi hindi ko na rin gusto marinig ang mga kasinungalingan pa, e.”

FOND MEMORIES. Sa puntong ito, sinariwa na lang ni Angel ang magandang alaala niya sa pagsali nila sa Asia’s Got Talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, may mga sumaling transgenders, she-males, at cross-dressers, pero hindi ganun ang reaksiyon.

“Pero may ibang nationalities na nakipag-friend, kasi nga nalaman nila na bekis kami.

“Yung iba, patingin-tingin lang, kasi iba naman ang language nila.

“Pero bilang Filipino, magiging proud ka talaga, kasi ‘pag alam nilang Pinoy, nasa isip na nila na magagaling tayo.

“Yun nga lang, yung four ‘Yes’, hindi nga guarantee yun na pasok na kaagad sa semi-finals.”

Sa ngayon, bukod sa kanyang solo singing career, abala rin si Angel sa pag-'raket' bilang events host, katulad ng paghu-host niya sa post-birthday celebration ni Jasmine Curtis-Smith.

Bukas naman ang espasyo ng PEP sa panig nina Mariko at Mia sa mga tinuran ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN