Albert Martinez: “Liezl is now in Heaven, free from all physical and emotional suffering...”

Actor Albert Martinez posts a message of thanks and gratitude to all the people who helped him and his family cope up with Liezl’s demise last month.


Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Albert Martinez ang mga kaibigan at kamag-anak na tumulong sa kanyang pamilya upang makayanan nila ang pagpanaw ng asawa ng aktor na si Liezl Martinez.

Pumanaw ang aktres at maybahay ni Albert noong March 14 dahil sa breast at lung cancer.

Read: Liezl Martinez dies at 47

Sasapit ang 40th day ng pagpanaw ni Liezl sa loob ng dalawang araw kaya marahil may hashtag na "#40th" ang post ni Albert.

Incidentally, ipinagdiwang din ni Albert ang kanyang 54th birthday nito lamang Linggo, April 19.

Sabi ng aktor sa kanyang Instagram post ngayong Martes, April 21: “Thank you to our beloved family and friends for supporting us when we needed it the most.

“The passing of our Mama Liezl was the greatest loss we have ever endured.

“With your love and support, we know we shall see the rainbow after this rain.

“Liezl is now in Heaven, free from all physical and emotional suffering, and that is our only consolation.

"Your presence and prayers have brought us much comfort.. Albert, Alyanna, Alfonso, Alissa and Lolo Bobby."

Ang "Lolo Bobby" na binanggit ni Albert ay ang dating aktor na si Romeo Vasquez, ang ama ni Liezl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN