Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach keeps in touch with President Noynoy Aquino

Ayaw nang magdetalye ni Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach tungkol sa pagdi-date nila ni Pangulong Noynoy Aquino. Basta ang malinaw lang ay patuloy ang kanilang komunikasyon.


Nangingilag si Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach nang matanong tungkol sa estado ng napapabalitang pagdi-date nila ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon sa actress turned beauty queen, “Hindi ko siya masyadong nakikita. Actually, very busy kami, very busy din siya. Pero ganun pa rin naman.”

Marso nitong taon nang umamin si Pia na magka-text sila ni PNoy

Read: Miss Universe-Philippines 2015 Pia Wurtzbach admits 'talking' to President Noynoy Aquino

Ano ang pakiramdam na nali-link siya sa Presidente ng bansa?

Sagot ni Pia, “Siyempre, parang I think… na the reason why I’m here because of the Miss Universe Philippines.

"And it’s really quite a challenge to answer the question regarding him when all I’m trying to do is focus on the pageant and show everybody na yun talaga ang focus ko ngayon, yun ang priority ko.

“My supporters don’t have to worry me getting distracted, kasi yun lang naman ang nasa isip ko.”

Busy raw ngayon si Pia sa paghahanda para sa pagsabak niya sa Miss Universe 2015.

Nagti-text pa din ba sila ni PNoy?

“Minsan,” maiksi niyang tugon.

When was the last time na nagka-text sila?

Natatawang tugon nito, “A... ano ba 'yan! A... kanina lang. Kanina.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Pia, kaninang Martes ng hapon, April 21, sa isang restaurant sa Cubao, Quezon City.

Inilunsad si Pia, kasama ang apat pang Binibining Pilipinas 2015 titleholders, bilang bagong endorser ng Dairy Queen.

In photo (from L to R): Bb. Pilipinas-Tourism Anne Lorraine Colis, Bb. Pilipinas-International Janicel Lubina, Miss Universe Philippines Pia Wurtzbach, Bb. Pilipinas-Intercontinental Christi Lynn McGarry, and Bb. Pilipinas-Supranational Rogelie Catacutan. (Photo by Noel Orsal)


JUST FRIENDS. Ayon pa sa 25-year-old beauty queen, wala namang label ang kanilang relasyon ni PNoy, 55.

“Magkaibigan. Yun lang naman talaga yun,” sabi niya.

Kapag lumalabas naman daw sila ay palaging grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, always with a group of people, always with the other people, always with friends.”

Pero nang matanong kung ilang beses na silang lumabas, medyo nag-iba ang tono ng boses ni Pia.

“Why is it so important?” balik-tanong niya.

Marami siyempre ang curious malaman.

Sabi naman ni Pia, “Well, I don’t think, you know… kung gaano ko man siya kadalas makita, it has nothing to do with why we’re here today.

“Also, parang I don’t really see it’s so important for people to find out every detail about it.

"I feel like… magkaibigan lang naman po kasi talaga kami, parang nilalagyan ng…

“Kasi kung meron man, I think other people would know.

"I don’t think he would be the type to keep it a secret."

Ano ang masasabi niya na okay sa kapatid ni PNoy na si Kris Aquino kung sakaling mayroon mang namamagitan sa kanila?

Sagot ni Pia, “Mabait naman siya.

“Oo, at saka kahit naman kaninong artista naman or kahit kaninong celebrity… she’s very influential person and if she likes you... and that’s a good sign.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN