Janice de Belen reacts to rumored romance with Gerald Anderson

Pinasalamatan ng aktres na si Janice de Belen ang ilan sa kanyang social media followers na nagtatanggol sa kanya laban sa mga isyung pagli-link muli sa kanila ng Kapamilya hunk na si Gerald Anderson.


Isang makahulugang quote ang ipinost ni Janice de Belen sa kanyang Instagram account kahapon, April 21.

Posibleng reaksiyon ito ng 46-year-old actress sa muling paglabas ng isyung may namamagitan diumano sa kanila ni Gerald Anderson, 26.

Nagkatrabaho sina Janice at Gerald sa dating ABS-CBN primetime series na Budoy noong 2011-2012. Gumanap sila rito bilang mag-ina.

Sa nasabing teleserye rin nabuo ang pagkakaibigan ng dalawa, at dito rin nagsimulang bigyang-kulay ng iba ang kanilang samahan.

Gayunpaman, dati na nila itong itinanggi.

Subalit muli na namang nabuhay ang isyu dahil sa kumpirmasyon ni Gerald kamakailan na hiwalay na sila ni Maja Salvador.

Read: Gerald Anderson and Maja Salvador “taking a break” from their relationship

Naungkat ang pagkakaroon ng third party sa breakup nina Gerald at Maja, at lumabas sa ilang entertainment columns na itinuturo si Janice na dahilan diumano ng hiwalayan nila.

Nitong Martes, April 21, nag-post si Janice ng isang quote sa Instagram na tila sagot sa mga akusasyong pagiging third party umano niya sa hiwalayang Gerald-Maja.

Ang sabi sa post ng aktres: “Rumors are carried by haters, spread by fools, and accepted by idiots.”

Sa comments section ng nasabing post, pinasalamatan ni Janice ang mga nagtatanggol sa kanya mula sa mapanirang akusasyon.

Ang mensahe ng isang follower kay Janice: “It’s sad that people who talk the most, know the least. Positive lang po Ate, rumors will always be around po.”

Isang pang follower ang nagsabi kay Janice na kilala nila ang aktres at naging “open book” ito.

Pinasalamatan din siya ni Janice.

Isa ring makahulugang post ang inilagay ni Janice noong Lunes, April 20: “Never judge someone by the opinion of another.”

HOT MONDAY AFTERNOON!!

A photo posted by Janice de Belen (@super_janice) onApr 19, 2015 at 8:55pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN