Andrea Torres to celebrate birthday in Cambodia

Andrea Torres is enjoying her summer in Cambodia despite her shooting schedule in Phnom Penh.


Sa Dakak nag-spend ng kanyang summer vacation si Andrea Torres.

“Sa Kapusolympics po, last month. Four days po kami doon,” banggit niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bukod dito ay wala nang ibang plano si Andrea na samantalahin ang summer para makapagbakasyon.

Kasalukuyan siyang nasa Phnom Penh, Cambodia, para sa shooting ng Blood In Dispute, ang drama series ng pinagsanib na puwersa ng GMA Network at CTN o Cambodia Television Network.

“Mas mainit daw po doon, sabi,” ayon kay Andrea nang makausap namin noong April 14, ilang araw bago sila lumipad ni Mikael Daez patungo sa nasabing lugar.

Dahil trabaho iyon, isisingit na lamang daw ni Andrea ang pagsu-swimming sa pool ng hotel na kanilang tutuluyan.

Dati na raw nakapunta sa Cambodia si Andrea kasama rin si Mikael; ito ay para sa Sana Ay Ikaw Na Nga na inere sa Cambodia noong 2014.

Kuwento niya, “Nakapag-tiange po ako, 'tapos yung mga food.

"Nag-try po kami ng tarantula ni Mikael. Parang ano, parang adobo. Chewy na may parang white sa loob.

"May video nga si Mikael, e.

“Ang laki kasi tapos ramdam na ramdam mo yung paa!” at tumawa si Andrea.

Ano ang maipagmamalaki niya sa Pilipinas para maengganyong bumisita at mamasyal dito ang mga Cambodian?

“Ang dami, e! Sobrang dami.

“Nalibot ko yung Philippines dahil sa [GMA] regional [shows], e, so ang dami talagang…

“Ang daming waterfalls na napakagaganda, ang dami palang beach na maganda.

"Yung food, sobrang laki ng range na puwede mong makain.”

Ano ang lugar na nagandahan nnag sobra si Andrea?

“Bacolod, kasi bago ka pa lang mag-land, green na lahat, e.

“‘Tapos Boracay, siyempre.”

Sa Asia naman ay nakarating na rin si Andrea sa Bangkok, Thailand at Hong Kong, bukod nga sa Cambodia.

“Yung Bangkok po, para sa commercial, nung nagmo-model pa lang po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung Hong Kong, iyon yung vacation... ay, pati pala Singapore!”


BIRTHDAY WISH. Twenty-five na si Andrea sa May 4, at nasa Cambodia pa rin siya sa araw ng birthday niya.

“Work every day po kami dun, e.”

At malayo siya sa mga espesyal na tao sa buhay niya, “Yes.”

Wala bang susunod sa kanya doon sa mismong kaarawan niya para mabati at makapiling siya?

“Wala naman.”

Kasama raw ni Andrea ang mommy niya sa Cambodia.

“Halos every year po, 'pag birthday ko may work ako, so feeling ko okay yung ganun.”

Ang birthday wish ni Andrea: “More projects talaga.

“Or ano, makumpleto yung family, kasi may isa pang nasa Australia. Yung brother ko. Working siya dun.”


LOVELIFE. Samantala, tulad nina Mikael at Megan Young, walang inaamin sina Andrea at Sef Cadayona tungkol sa bulung-bulungang relasyon sila.

Kumusta ang lovelife niya?

“Happy and content!” at tumawa si Andrea. “Single.”

Kailan naman sila "aamin" ni Sef?

“Walang aaminin!” ang tumatawang bulalas niya.

“Hindi, wala akong aaminin. Single po talaga ako.”


Pang-beauty queen ang ganda ni Andrea, pero wala raw siyang planong sumali sa beauty pageants.

“Five-seven po yata dapat, e.”

Nasa 5’4” ang taas ni Andrea.

Dagdag pa niya, “Parang wala sa personality ko.

“‘Di ba, 'pag beauty queen, parang dapat prim and proper ka?”

Hindi siya prim and proper?

“Prim and proper din pero parang iba yung kanila, e.

“Basta iba yung aura nila, feeling ko hindi ko siya carry.”

Hindi rin pala siya puwedeng sumali sa Binibining Pilipinas dahil nag-sexy pictorial na siya para sa FHM.

“Ayun, bawal rin po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN