Beth Tamayo reunites with best friend Judy Ann Santos in New Zealand

Beth Tamayo on New Zealand vacation with best friend Judy Ann Santos: “Though salamat sa technology na we text and Facetime each other, iba pa din siyempre ’pag nagkita na kayo in person. Mahigpit na yakapan agad nung nagkita kami!”


Nagkita pala sa New Zealand ang mag-best friend na sina Judy Ann Santos at Beth Tamayo nang magbakasyon doon ang buong pamilya ng young superstar kamakailan.

Ito ang isa sa napag-usapan nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng Facebook private messaging si Beth Tamayo.

Nakausap ng PEP ang New York-based actress ngayong Miyerkules, April 22.

Una muna ay kinumusta namin ang buhay ni Beth sa New York.

Lahad niya, “I'm doing great in NYC.

“I'm still working for this investment company in Manhattan. I'm an executive assistant.

“Mala-Devil Wears Prada ang dating!

“Nag-stop na ako sa restaurant gig ko kasi medyo nakakapagod na din.

“I have been juggling two jobs for, like, three years na din and I guess I needed time to recover naman kahit papa'no.

“I'm studying online to get a real estate license here in NY.

“So, hopefully, I'll be able to finish ng May and pass my state licensing exam with flying colors.

"So far, so good naman ako dito. Can't and won't complain."

NEW ZEALAND TRIP WITH JUDY ANN & RYAN. Paano naman nabuo ang plano for Beth to join married couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo sa New Zealand?

Kamakailan ay doon nag-summer vacation sina Judy Ann at Ryan at ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho.

Ayon kay Beth, “The NZ trip was planned last year pa.

“Actually, dapat kasama na ako sa first NZ nila last year, kaso lang hindi umabot yung passport ko since I renewed.

“So she said next year na lang. They have the dates na agad agad so I was able to plan ahead na din naman.

“I left NYC ng April 8th and arrived in NZ ng April 10th, which is Ryan's birthday.

“So celebration na agad as soon as I arrived.

“I stayed with them until April 19th then balik na din sa NYC.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naramdaman niya nang magkita muli silang mag-best friend? Gaano katagal silang hindi nagkita ni Judy Ann?

Ayon kay Beth, “The last time I saw Hoodie [Beth’s term of endearment to Judy Ann] and her family was nung Malibu trip nila nung 2012 or 2013 yata.

“Dun siya nag-birthday sa LA [Los Angeles] and I followed them there.

“Though salamat sa technology na we text and Facetime each other, iba pa din siyempre 'pag nagkita na kayo in person.

“Mahigpit na yakapan agad nung nagkita kami!”

Kumusta ang muli nilang pagkikita ni Ryan? Nina Yohan at Lucho?

“Ryan and I naman laging cool lang ‘pag nagkita kami.

“Twin bro/sis ang tawagan namin bilang magkamukha kami!

“Naku, si Yohan and Lucho, keku-cute!

“Lalo na si Lucho, pagdating ko, he kissed and hugged me right away.

“Kakatuwa lang na kahit hindi nila ako regularly nakakasama or nakikita, e, kilala pa din nila ako!

“Sarap pang pakinggan everytime they'd call me ‘Mama Beth.’”

COMING HOME. May plano raw si Beth na umuwi sa Pilipinas.

“Yes, I do have plans of visiting Manila siyempre para makita yung family ko and spend some time with them.

“Last na punta ko kasi was 2011 pa when I surprised my mom on her birthday.”

Kumusta na ang mommy niyang si Zeny Tamayo?

“My mom's okay. She's been in remission. Thank God!

“She was diagnosed kasi with stage 3 lymphoma in 2012, but after six chemotherapy cycles, okay na siya.

“Though, every month, she gets tested just to make sure na she's okay and clear pa din.”

Ano at sino ang pinaka nami-miss niya sa Pilipinas?

“I miss my family and friends of course. Yung showbiz work nakaka-miss din nang slight,” sagot ni Beth.

Samantala, masaya raw ang lovelife ni Beth with her boyfriend na isang foreigner.

“Okay naman, happy naman ako with my BF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We've been together for quite a while now and, so far, wala naman akong problema.”

Any wedding plans?

“Wala pa namang plans to get married.

“’Pag meron na, I'll let you know for sure!

“If ever on my next visit, I plan to bring my BF para naman ma-experience niya ang Manila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN