What’s in a name? Rita Iringan, Rita de Guzman... no, it’s Rita Daniela!

"Edgy, mature, fierce," Rita Daniela describes the new image she wants to project as an entertainer.


Una siyang nakilala bilang Rita Iringan nang manalo siya sa PopStar Kids.

Ngunit nang nagdalaga siya at nag-concentrate sa acting ay ginawa niya itong Rita de Guzman, na isinunod sa apelyido ng yumao niyang lolo, ang komedyanteng si Teroy de Guzman.

Pero ngayon, final na raw na Rita Daniela ang gagamiting pangalan ng Kapuso singer-actress.

Kasabay nito ang paglu-launch ng kanyang kauna-unahang self-titled album at pagbabago ng imahe.

Paliwanag ni Rita sa kanyang pagpapalit ng pangalan, “Alam ko po, very ano siya, nakakalito… from Rita Iringan.

“Kasi sa contest po talaga, hindi puwedeng ibahin ang pangalan.

“'Tapos nag-try po naming gawin na Rita de Guzman.

“Management decision din po yun para iba rin, mag-iba ng image.

“Pero si Rita de Guzman po kasi, mas more on acting siya.”

Wala na ba siyang planong umarte?

“Hindi naman po, hindi naman po porke’t na Rita Daniela na, hindi na siya a-acting.

“Si Rita Daniela lang po, mas total performer siya.

“Mas kakanta siya, magpe-perform siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Rita sa 17th Floor ng GMA Network Center noong April 20.


RIGHT TIMING. Aminado si Rita na dahil mas nalinya siya sa pag-arte, medyo nawala raw siya sa pagkanta na siyang dahilan talaga kung bakit siya nasa showbiz.

“Medyo nawala po, kasi kapag may soap, yung taping days, nakakain ang araw mo.

“At siyempre po, nag-i-school din po ako nun.”

Ngayong may solo album na siya, pagkakaroon naman kaya ng solo concert ang susunod na gusto niyang gawin?

Sagot ni Rita, “Siguro, para sa akin po, mas gusto ko po yung hindi minamadali.

“Naniniwala naman po ako na lahat naman po ng bagay, napaghahandaan.

“So, para po sa akin, darating din po yung right time, lahat right timing.

“Siguro po yung concert, ‘wag muna po nating isipin. Mas importante po yung album ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling magkaroon nga siya ng concert, sino naman ang gusto niyang maging guest o isang artist na sa palagay niya ay hindi dapat mawala?

“Si Ate Jolina [Magdangal] talaga.

"Kasi, kahit ganito po ang image ko, never na mawawala sa akin yung talagang Jolina na.

“Kasi doon po talaga ako nagsimula, and feeling ko, doon yun nag-start kung paano ako [napunta sa] Pop Star Kids.

“At saka, ever since, sinabi niya rin sa akin na kahit na anong mangyari, huwag mawawala yung passion ko.”

Sa mga lalaki naman, si Dennis Trillo naman daw ang gusto niyang maging guest. Hindi nito itinatangging crush niya ang Kapuso actor.

“Memorize ko ang album niya. Noong pagkalabas na pagkalabas nun, bumili ko agad.”

INSPIRED. Sa isang banda, matagal na rin sa industriya si Rita simula nang manalo siya sa PopStar Kids, pero ngayon pa lang siya nagkaroon ng sarili niyang album.

Hindi siya nainip?

“Nainip po,” pag-amin niya.

“Honestly, nainip po. Pero yun nga, naniniwala rin po ako sa right timing.

“Hindi rin naman po ibibigay ni God yun kung hindi rin siya magwu-work.

“So ako po, sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon, nili-lift-up ko yun kay God.

“Kasi alam ko na kapag ibinigay mo sa kanya, lahat tama.”

Ang carrier single ni Rita ay “I’m Flying High.”

Pero may sarili siyang composition, ang “‘Di Lang Ikaw”, na nagawa at natapos niya raw ang lyrics at melody sa loob lamang ng 45 minutes.

Inspirado raw siya nang gawin iyon dahil sa kanyang crush.

Ilang albums naman na ang nagawa ng kasabayan niya sa PopStar Kids na si Julie Anne San Jose; at ilang platinum awards na ang nakuha ng albums nito.

May pressure ba sa kanya ngayong may solo album na rin siya na kailangan mapantayan niya rin ang mga album sales ni Julie Anne?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Rita, “Honestly, hindi po.

“Siyempre, part yun, kaya nga tayo naggawa ng album at nagtiwala sa ‘yo ang record label, para kumita rin siya.

“Pero for me, kaya ko rin siya na sobrang tinutukan ang album.

“Siyempre, gusto ko rin ma-appreciate ng mga tao at makapagpasa ako ng passion.

“Yung talent na ibinigay sa akin ni God na alam kong matagal na panahon na hindi nila nakikita sa akin.

“But since now na nabigyan po ako ng chance na ipakita at i-share sa ibang tao, ito na po yun, yung album.”

Bilang isang performer, ang pine-peg daw ni Rita ay mala-Jennifer Lopez at Rihanna.

“Yung edgy po, mature, fierce,” sabi niya.

May pagka-sexy ang cover pictorial niya sa album.

Natatawang kuwento ni Rita tungkol dito, “Pati nga nanay ko, naloka siya!

“Parang, ay teka, ano nangyayari? Pero keri naman po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN