Akihiro Blanco not ashamed to admit he’s still a virgin

Akihiro Blanco on pre-marital sex: "Hindi ako naniniwala dun or siguro kasi para sa akin, darating yun... Kung may mangyari man, e, di mangyayari. Pero hindi ako yung makikipag-sex sa kahit kanino."


Madalang sa mga lalaki ang umaaming virgin pa sila o wala pang karanasan sa sex.

Pero ang Artista Academy alumnus na si Akihiro Blanco ay pinaninindigang sa kabila ng pagkakaroon niya ng apat na girlfriends ay nananatili pa rin daw siyang virgin.

“Strict kasi ang parents ko!” natatawang biro ni Akihiro sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero seryoso niyang paliwanag, “Sa generation ngayon, usung-uso ang mga teenagers na…

“Well, very promiscuous na ang mga teenagers.

“Siguro kasi dahil sa mga napag-uusapang ganun at nauuso kaya kapag may nagsasabing virgin pa, marami ang hindi naniniwala.”

Hindi siya pabor sa pre-marital sex?

Tugon niya, “Hindi ako naniniwala dun or siguro kasi, para sa akin, darating yun.

"Kagaya ngayon, single pa ako. Paano naman kung dumating bigla sa ‘yo yun?

“So, hindi natin masasabi yung mga ganung bagay.

“At saka, gusto ko rin naman na kung may mangyari, pinaghirapan ko, niligawan ko siya, nag-effort ako.

“Kung may mangyari man, e, di mangyayari.

“Pero hindi ako yung makikipag-sex sa kahit kanino.

“Siguro kapag nakita ko na yung para sa akin.

“At saka gusto ko kasi, kung sakaling magkaroon ako ng girlfriend ngayon, siguro after six years, gusto ko, kasal na. Kami na talaga.”

Hindi ba siya natatakot na dahil sa naging pahayag niya, baka pagdudahan naman ang kanyang sekswalidad?

Tugon niya, “Hindi ako natatakot sa ganun. Kasi alam ko kung ano ang totoo.

"At saka ako, hindi ko pinapakialaman kung may nagdya-judge sa aking mga tao, kasi sila naman yun.

“At saka ako kasi yung tao na kahit na artista na ako, hindi ako nagpapaka-showbiz na tao.”

Nakausap ng PEP si Akihiro sa presscon ng Wattpad Presents: The Nerdy Girl Turns Into A Hottie Girl ng TV5 last week. Bida sila rito ni Inah Estrada.

HAPPY WITH HIS CAREER. Ayon kay Aki, masaya siya kung anuman ang nangyayari sa kanyang career mula nang sumali siya sa TV5 artista search na Artista Academy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sarap!” sambit niya.

“Gustung-gusto ko ang ginagawa ko. Gustung-gusto kong umarte.

“Halimbawa may taping, excited ako, kasi gustung-gusto ko talagang umarte.”

Hindi siya nababagalan sa takbo ng career niya?

Sagot niya, “Actually hindi naman, nabibilisan nga ako sa panahon.

“Tuluy-tuloy naman ang mga ibinibigay sa akin ng TV5 at gingawa ko naman kung anuman ang ibigay nila sa akin.”

Kasabayan ni Akihiro sa Artista Academy si Mark Neumann.

Pero ngayon, si Mark ang tila mas nabibigyan ng pansin at nabibigyan ng magagandang proyekto ng Kapatid network.

Hindi siya nai-insecure?

Sagot ni Akihiro, “Hindi, wala.

“Hindi kasi namin pinepersonal ni Mark.

“At saka kapag nag-uusap kami, hindi namin pinag-uusapan yung, ‘Bro, mas maganda yung show mo sa akin.’ Hindi namin pinag-uusapan yun.

“At saka, unang-una, tapos na kami sa Artista Academy. Ito na yung totoo.

“Merong aangat, merong ganito lang. Merong mas lalong bababa.

"Nasa isip ko yun una pa lang.

“Wala sa akin yung kahit na siya ang unang nabibigyan.

“Besides, si Mark, sobrang bait ng batang yun.

“At saka, on my part naman, meron pa kong mga kailangang gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN