Lotlot de Leon’s wish to win acting awards with mom Nora Aunor finally comes true

Lotlot de Leon reveals she suffered insecurites about her acting ability during long non-working periods, “Na baka hindi ako magaling, na minsan yung parang hindi ka sure kung may kukuha pa ba sa iyo o hindi."


Back to back ang pagwawagi ni Lotlot ng Best Supporting Actress awards para sa Kubot: The Aswang Chronicles 2.

Una ay sa Metro Manila Film Festival noong December at sumunod ay ngayong Abril sa PASADO Awards naman.

Ano ang pakiramdam?

“Fantastic!” bulalas niya.

“Malaki ang pasasalamat kasi merong mga ilang nakalipas na taon na I didn’t have work for eleven months… six months.

“Ang hirap, ‘di ba? Parang it’s a prize… for all the hard work.

“Kasi I had so many questions about my career, ‘Dapat ba akong mag-artista? Baka hindi na, baka hindi naman ako magaling.’”

To think na isa siya sa ikinukunsiderang mahusay na aktres sa Pilipinas, pero may ganoon raw siyang thinking dati.

“Oo kaya! Na baka hindi ako magaling, na minsan yung parang hindi ka sure kung may kukuha pa ba sa iyo o hindi.

“Pero nung natanggap ko yung [mga awards] sa Kubot, parang siguro nga dapat artista ako.

“Parang exclamation point siya, parang sagot siya dun sa mismong tanong ko.”

At kung tama ang obserbasyon ng iba, history ang nangyari sa PASADO dahil unang beses na may mag-inang aktres na kapwa nanalo ng award sa iisang award-giving body sa loob ng isang gabi.

Itinanghal din kasing Pinakapasadong Aktres (o Best Actress) ang ina ni Lotlot na si Nora Aunor para sa dalawang pelikula, ang Hustisya at Dementia, na isa ring first in the history of awards night ng gabing iyon.

Reaksiyon dito ni Lotlot, “E, siyempre ang sarap ipagmalaki!

“Kasi pangarap ko lang dati yun, e. Lagi kong sinasabi, ‘Ano kaya manalo ako ng award tapos si Mommy din?'

“And iyon, nangyari na nga!”

At si Lotlot pa ang tumanggap ng dalawang awards ng mommy niya sa PASADO dahil nang gabing iyon, April 11, ay nasa Kuching sa Sarawak, Malaysia, ang superstar para tanggapin ang Lifetime Achievement award nito mula naman sa Asean International Film Festival and Awards (AIFFA).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakaramdam pa ba siya ng pagka-proud para sa mommy niya o sanay na siya sa mga parangal nito bilang isang aktres?

Sagot ni Lotlot, “Pareho. Sanay na ako at proud pa rin ako.

“Parang hindi na kasi siya, hindi na kuwestiyon.

“Hindi na kuwestiyon yung kagalingan niya, bakit siya nakatanggap ng award, o lifetime achievement [award] pa, internationally.

“She deserves it! E, ilang taon naman niyang napatunayan, hindi lang sa ibang tao kundi para sa sarili niya.

“Lahat iyon nagawa na niya, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN