Singer Joey Albert thankful for prayers and kind messages from dear friends

Unti-unti nang bumabalik ang dating pangangatawan ng veteran singer na si Joey Albert matapos nitong sumailalim sa operasyon para sa kanyang colon cancer noong March 27.


Limang oras inabot ang operasyon ng bumalik na colon cancer ng singer na si Joey Albert.

Inoperahan siya noong March 27 sa Canada.

Halos dalawang linggo matapos ang kanyang operasyon, unti-unti nang nanunumbalik ang kalusugan ng “Tell Me” singer.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nagpaabot ng pasasalamat si Joey sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang kaligtasan at mabilisang paggaling.

Narito ang kanyang post noong April 20, Lunes, kalakip ang kanyang larawang nakakaway at nakangiti:

“My dear friends,

“Nais ko lang magpasalamat sa walang sawa niyong dasal at pagmamalasakit sa akin.

“Patawad at hindi ko na nasagot lahat ng mga message niyo... Pero asahan niyo na binasa ko ang bawa't isa.

“Your prayers and kind messages brought me so much joy and cheer and hope through these trying times.

“I am so blessed to have you all. God bless you all for your love and support.

“Always,

“Joey”

Taong 1995 ay napagtagumpayan ni Joey ang laban niya sa kanyang cervical cancer. Ngunit na-diagnose naman siya na may colon cancer noong 2003.

Read: Singer Joey Albert battles colon cancer anew


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN