Rita Daniela confirms Julian Trono courted her

Rita Daniela at 17 has never had a boyfriend and now that she’s finding her way into the music world, it’s the least of her concerns.


Sa simula ay ayaw sabihin ni Rita Daniela—dating Rita de Guzman—kung sino ang taga-showbiz na nanliligaw o nanligaw sa kanya.

Sa ngayon ay single siya at never pa raw siyang nagkaroon ng kasintahan.

Nabanggit naman niyang may mga nanliligaw sa kanya, pero hindi taga-showbiz.

Walang taga-showbiz?

“Meron!” ang sagot ni Rita.

Pero nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino, sabi niya, “Scary naman po 'yan, ha!”

Kapuso ba ito?

“Ano ba ‘yan! Hindi ngayon [nanliligaw], ha… before pa.”

Sino nga?

“Kailangan ba talaga? Sige, hulaan ninyo na lang.


“Oo, Kapuso. Hindi ko siya nakasama sa soap.”



Nakausap ng PEP si Rita sa launch ng self-titled album niya under GMA Records, noong Lunes, April 20, sa GMA Network Center.


YOUNGER JULIAN. Ngumiti si Rita nang tanungin namin kung nakasama niya ang kanyang tinutukoy sa Sunday All Stars.

May mga binanggit kaming pangalan ng Kapuso male stars, pero panay ang iling at “Hindi po!” ni Rita.

Nang banggitin namin ang pangalan ni Julian Trono, ngumiti ang actress-singer bilang hudyat na ito na nga ang tinutukoy niyang nanligaw sa kanya.

Ngiti rin ang isinagot ni Rita nang tanungin kung binasted ba niya si Julian.

Paliwanag niya, “Kasi ako, mas prefer ko yung mature guys.”

Seventeen pa lamang si Julian at turning 20 naman si Rita sa September.

Sabi naman ng dalaga hinggil sa age difference, “Naniniwala rin ako na pagdating sa love, age doesn’t matter.”

Magkaibigan pa rin daw sila ni Julian, pero may period daw na deadma sila sa isa’t isa.

“Kasi parehas kaming Virgo, e. ‘Di ba, pag ganun, medyo… ewan ko kung naniniwala kayo sa ganun.”

Almost two years ago pa nanligaw sa kanya si Julian.

Lahad pa niya, “Hindi naman po sa hindi type, kasi talented naman siya.

“Naku, grabe, napakahusay niyang dancer. Grabe!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mas matanda raw sa kanya si Julian ay baka nagkaroon ito ng chance, “Siguro.”


OLDER DENNIS. Kung crush niya, tulad ni Dennis Trillo, ang manliligaw sa kanya?

“Naku, hindi ko po alam ang gagawin ko!” bulalas ni Rita.

Mas may pag-asa si Dennis kaysa kay Julian?

“Oo naman po... Agad-agad, ‘di ba? Gusto mo yun?”

Mahigit sampung taon ang agwat ng edad sa kanya ni Dennis. Ganoon ba ang gusto niya, na parang kuya na niya ang lalaki?

Sagot ni Rita, “Age doesn’t matter.

“Since buhay ko naman ito, ako naman ang mamimili, dapat doon ka sa sure, ‘di ba?”

Biniro namin si Rita na kahawig pa naman niya si Carlene Aguilar na dating karelasyon ni Dennis at ina ng anak nitong si Calix.

“Ay, naku, huwag tayong ganyan!”


Samantala, laman ng unang album ni Rita ang mga kantang “Di Lang Ikaw;” “Forever With You;” “Fallin;’” “Hahanap-Hanapin Ka;” “Ihip Ng Pag-Ibig,” at “I’m Flying High.”

Ito ay mula sa GMA Records at ang digital format nito ay unang ini-release worldwide noong April 12 at available sa OPM2GO, Deezer, iTunes, and Amazon.

Ngayon ay available ang CD nito sa Astroplus, Astro Vision, Odyssey Music and Video, The Landmark, at sa mga SM Music and Video outlets.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN