Kris Aquino confirms Erich Gonzales’s breakup with non-showbiz BF; Erich dating Daniel Matsunaga?

Ibinunyag ng Queen of All Media na si Kris Aquino na hiwalay na si Erich Gonzales sa kanyang boyfriend ng apat na taon. Nilinaw rin ni Kris na hindi naging engaged si Erich sa kanyang ex-boyfriend. Ngayon naman ay nauugnay ang Kapamilya actress sa Brapanese model-actor na si Daniel Matsunaga.


Kinumpirma ni Kris Aquino na hiwalay na si Erich Gonzales sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Apat na taon ang itinagal ng relasyon nila.

Ginawa ni Kris ang kumpirmasyon sa Aquino & Abunda Tonight, Miyerkules ng gabi, April 22.

Kuwento ng Queen of All Media, “Kanina, tinanong ko diretsahan na tanong [kay Erich], sinabi ko, 'Are you still in a relationship right now?

"'Because the last time na nagpo-promote ka ng finale ng Two Wives sa The Buzz, sinabi mo you're in a four-year relationship.

"'Does that still hold true now?'"

Sagot daw ni Erich sa kanya: “No more, Ate.”


NEVER ENGAGED. Sinabi rin ni Kris na kailanman ay hindi na-engage si Erich sa kanyang ex-boyfriend, taliwas sa mga naibalita noon.

“She has never been engaged. Never.

“Klaruhin po natin nung nag guest siya, Kris TV was still bago and we were still in the studio,” pagtukoy ni Kris sa guesting ni Erich sa kanyang morning talk show noong November 2012.

Pagbabalik-tanaw pani Kris, “We had a baking session that time, na meron siyang Mario Maurer [film project] and she had a diamond solo ring.

"And tinanong ko if that was an engagement ring, and she said no, it was not.

“It was a gift, a promise ring, parang ganun, but not an engagement ring.

“But sinabi niya, Ate, magmula nang time na 'yon, nag-speculate na sila and inisip nila na totoo.'”

Read: Erich Gonzales clarifies: “I am NOT engaged.”


ERICH IS NOT IN PAIN. Ani Kris, nabuo ang closeness nila ni Erich dahil sa madalas nilang pagsasama sa Kris TV.

Muli ring inulit ni Kris ang pag-uusap nila ni Erich nang tanungin niya ang Kapamilya actress kung sila pa ba ng non-showbiz boyfriend nito.

“'May boyfriend ka pa ba?

"Ang sinabi niya, 'Wala na.'

“She's not in pain and she does not want to cause anybody any pain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I dont think she's in pain,” turan ng actress-host tungkol sa pagiging single ngayon ni Erich.

DANRICH LOVETEAM. Samantala, sa Kris TV rin nabuo ang loveteam nina Erich at Daniel Matsunaga, na madalas ding maging guest ni Kris sa kanyang morning show sa ABS-CBN.

Dahil madalas magkasama sina Erich at Daniel sa mga episode ng Kris TV, nabuo ang DanRich loveteam.

Naging loveteam din ang dalawa sa teleseryeng Two Wives.

Marami rin ngayon ang nais malaman kung nauwi na ba sa totohanan ang pagpapareha sa dalawa, lalo pa't single na ngayon si Erich.

Kaugnay nito, nitong Martes, April 21, ay nag-post si Erich sa Instagram ng larawan kung saan kasama niya si Daniel at ang ina nito.

Portuguese ang caption ni Erich sa nasabing post na ang translation ay: “Blessed to be with beautiful people inside and out.”

Sou abencoada por conhecer lindas pessoas nao so na aparencia como tambem em seu interior ♥️

A photo posted by Erich Gonzales (@erichgg) onApr 20, 2015 at 9:49pm PDT

Nitong April 19, Linggo, nakita rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Instagram post ni Daniel.

Ito ay ang larawan nila ni Erich at may caption itong Portuguese na ang translation ay "Special dinner tonight with my beautiful."

May hashtag din itong "abencoado" na ang ibig sabihin ay "blessed."

Jantar especial hoje a noite com minha linda :) #abencoado

A photo posted by Daniel Kenji Matsunaga (@dandanmatsunaga) onApr 18, 2015 at 9:54am PDT

Nag-post din ang ina ni Daniel na si Geralda Matsunaga ng larawan nilang tatlo sa Instagram account, at sa caption ay tinawag niyang “daughter.”

“Another gift from God for my family! My youngest daughter @erichgg! Beautiful and loving. Thank You Lord Jesus! #myfamilymylife”

Nitong Miyerkules naman, April 22, nag-post sa Instagram ang ina ni Daniel ng larawan ni Erich kasama ang kapatid na babae ni Daniel na si Vanessa Matsunaga.

Ang makahulugang caption dito ni Geralda: “My beautiful daughters.”

My beautiful daughters @vanessamatsunaga and @erichgg 😊😍 #blessed #myfamilymylife #thankyoulord #JesusIsOurStrength

A photo posted by Geralda Matsunaga (@gegematsunaga) onApr 21, 2015 at 10:08pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN