Janno Gibbs on SAS and ASAP competition: “Honestly, mahirap tapatan ang ASAP na head-on...”

Aminado si Janno Gibbs na kulang talaga sila sa performers sa Sunday All Stars kumpara sa dami ng artista ng ASAP 20. Hindi na rin daw nila ni-request sa management na ibalik sila sa dating timeslot na 12 noon every Sunday.


Hindi maiwasang matanong si Janno Gibbs tungkol sa labanan ng Sunday musical-variety shows.

Si Janno ay bahagi ng Sunday All Stars (SAS) ng GMA Network.

Hindi man nila direktang katapat sa timeslot ang ASAP ng ABS-CBN, nagpapang-abot pa rin sila sa ere bandang alas-dos ng hapon.

Hindi ba sila nag-request na ibalik sila sa 12-noon timeslot?

Tugon ng singer-actor, “Ako, I don’t mind.

"Okay naman ako sa ganun [2 P.M. timeslot], wala naman akong reklamo.

“Ang point lang naman kasi, para ibalik sa 12 para tumapat sa ASAP, ‘di ba?

"I don’t mind, kumbaga, kanya-kanya naman kami ng viewers, ‘di ba?

“Honestly, mahirap tapatan ang ASAP na head-on. Honestly, ha, ako naniniwala.

"Only because, feeling ko, one-on-one, per artist, kaya namin silang tapatan.

“But, together, mas marami sila, e. For five artists nila, we have one.

"So, 1:5 ang ratio ng dami ng artists nila.

"Yun, sa ganung banda, feeling ko, hindi namin sila kayang tapatan.

"One-on-one, okay."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janno sa launching cum mini-presscon ng kanyang bagong album under GMA Records, ang Novela, Miyerkules ng hapon, April 22, sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City.


“KNOCK-KNOCK.” Pinabulaanan naman ni Janno ang usap-usapang hindi na raw magtatagal sa ere ang Sunday All Stars.

Pahayag niya, “Lagi namang merong mga ganyan in any show.

"In any show, laging may ganyang usapan, so knock-knock na lang. Knock-knock.

“So far, wala pa naman, kasi I think we’re doing good, e.

"Tuwing nandun kami, habang ginagawa namin yung show, may tinatawag na live ratings, e.

“May monitor kami na nakikita namin na pumapalo, and pantay, ganun yung ratings, live ratings.

"Merong mga days na... merong mga times na natatalo namin.

"Nag-aabot kasi ng mga an hour, e... one hour. Yung 2 to 3 [P.M.], nag-aabot kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, may mga times na natatalo namin sila, merong dikit, merong pareho lang.

"So, that’s good enough for us.

"Basta naman ang importante sa akin, basta yung laman, yung quality nung show is good."

“NOVELA.” Ang isa pa sa ikinaka-excite ng singer ay ang pag-release kamakailan ng bago niyang album na Novela.

Sariling konsepto kasi ito ng King of Soul, kung saan majority ng mga kanta sa album ay hango sa mga naisulat nito para sa mga telenovela ng GMA.

Kuwento pa ni Janno tungkol sa album, “Kasi lately, kinukomisyon ako ng GMA to write theme songs for them.

"Mostly ganyan, tapos merong additional tracks like yung 'Bangon Kaibigan' for Yolanda na ang kumanta ay… parang 'We Are The World' na lahat ng artists ng GMA.

“And then, meron yung wedding song nina Dingdong [Dantes] at Marian [Rivera]. Gift ko yun for Dingdong for their wedding.

"So, pina-record ko talaga sa kanya ulit para sa album.

“Meron din kaming duet ni Solenn Heussaff at Jennylyn Mercado.”

Ang carrier single nito ay “Lalake Lang Ako.” May pinanggagalingan ba ito?

Natatawang sagot ni Janno, “Wala. Wala naman!

“Ako naman, I always make fun 'pag napapabalita akong ganito, natsitsismis akong ganito.

"My way of dealing with it is to make fun of it.

"Yung pagiging late, yung natsitsismis sa girls, ‘di ba?”

Mabibili na ang Novela sa Astroplus, Astro Vision, Odyssey Music and Video, The Landmark, at SMA Music and Video stores nationwide.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN